^

PSN Showbiz

Kahit magsisi at humingi pa ng tawad ang dating misis: Raymart hanggang pakikipagkaibigan na lang ang kaya kay Claudine para sa mga anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

May nagtanong kay Raymart Santiago, hypothetical question, na kung sakaling ma-realize ni Claudine Barretto ang pagkakamali at humingi ng tawad para mabuo muli ang pamilya nila alang-alang sa mga anak na sina Sabina at Santino ay may posibilidad bang magkabalikan pa sila?

Sagot ni Raymart, ‘‘As couple, no… as friends, yes. Hanggang pagkakaibigan na lang kami alang-alang sa aming mga anak. Nami-miss ko na sina Sabina at Santino at gusto ko silang makapiling ngayong Pasko.’’

Naka-move on na si Raymart at naka-focus nga­yon sa career na kasama siya sa Villa Quintana.

Sen. Bong dawit din sa hiwalayang Jennylyn at Luis!

Kung sinu-sino na ang nadadamay sa hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Nauna na si Dennis Trillo na ex-boyfriend ng aktres na nakita raw ang dalawa na nag-date. Pinabulaanan na ito ng aktor nang makausap namin kamakailan.

Ngayon naman ay nananahimik na si Sen. Bong Revilla, Jr. pero nadadamay din sa breakup ng dalawa. Nagkasama lang sila sa isang pelikula noon at nang matsismis nga sina Jen at Bong ay kasaluluyang ipinagbubuntis ng aktres si Alex Jazz.

Damay na nga sa kontrobersiya ang senador sa pork barrel scam kaya tantanan na siya ng maling balita tungkol sa hiwalayang Jen-Luis naman.

Kailangan na siguro ng aktres na magsalita para maliwanagan ang isyu. Kawawa naman ang mga taong nasasangkot sa ka­nilang hiwalayan ni Luis, ’di ba?

Janine kabado sa teleserye

Kabado si Janine Gutierrez dahil first time niyang sasabak sa teleseryeng Villa Quintana. Bagama’t naroon ang excitement, nape-pressure pa rin siya dahil sila ang bida ni Elmo Magalona.

Pero maganda ang working relationship nila ng anak ng Master Rapper dahil nagkasama na sila sa Together Fo­rever.

Nag-workshop din naman si Janine kay Direk Gina Alajar bilang pagha­handa sa karakter na gagampanan.

Sa pagpasok ni Janine sa teleserye ay mas excited pa ang mamita nitong si Pilita Corrales.

ALEX JAZZ

BONG REVILLA

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS TRILLO

DIREK GINA ALAJAR

ELMO MAGALONA

JANINE

JANINE GUTIERREZ

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with