MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Nobyembre 2) sa Bingit, isasabuhay ng Kapuso prime leading man at sought-after endorser na si Alden Richards ang kuwento ng binatang si Symon John “SJ†Riego na nawalan ng direksiyon ang buhay dahil sa masamang bisyo at nalagay sa bingit ng kamatayan matapos ang isang malagim na trahedya.
Iniwan si SJ ng kanyang Nanay Epifania sa kanyang Lola Guillerma para makapag-aral. Lumaking galit sa ina, nag-rebelde at nalulong sa masasaÂmang bisyo si SJ. Nakakita siya ng mas maliwanag na kinabukasan nang makilala niya si Mara.
Pero dahil na rin sa kanyang bisyo, hindi natagalan ni Mara ang pakikipagrelasyonsa kanya. Sa kanÂyang sama ng loob, nakipag-karera sa motorsiklo si SJ at nadisgrasya. Nagamot man ang kanyang mga sugat, na-comatose pa rin siya at nalagay sa bingit ang kanyang buhay.
Paano nakabalik mula sa kanyang ’di maintindihang purgatoryo ang suwail na anak? Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas para lumaban? Mayroon pa ba siyang kinabukasan?
Kasama rin sa episode na Unahan sa Hukay si Arny Ross.
Mapapanood ang Bingit ngayong Sabado pagkatapos ng Startalk, 4 p.m., sa GMA.