Mega pinaglalaruan at pinagtatawanan na lang ang katabaan

PIK: Isi-celebrate ng Celebrity Bluff ang first anniversary ngayong buwan.

Ang wish ng production staff ay sana makakasama na nila si Wally Bayola.

Hindi pa masagot ng kampo ni Wally kung kailan siya babalik pero sana ay sa anniversary celebration ng show ay kasama na siya.

PAK: May nakarating sa aming kuwentong sa taping daw ng Madam Chairman ay bumagsak ang stage na inakyatan ni Sharon Cuneta.

Nalaman naming kasama pala iyon sa script at sinadya talaga nila at okay lang kay Sharon.

Hindi na isyu kay Sharon ang katabaan niya at ini-enjoy na niya ito at nagagamit niya sa kanyang bagong dramedy show sa TV5 na maganda ang feedback at nagri-rate ito.         

Naobserbahan namin sa set na kampante ang buong cast at nakakapa na nila ang magpatawa sa mga eksenang ginagawa nila.

BOOM: Hindi nagpang-abot ang mag-inang Raquel at Charice Pempengco sa sementeryo kung saan nakahimlay ang ama ng international singer.

Death anniversary pala nung isang araw lang kaya dinalaw na ito ni Charice kasama si Alyssa Quijano.

Naikuwento sa aming pagkaalis nina Charice at Alyssa ay saka raw dumating ang ina nito.

Pinaghandaan naman daw ng Pinay international singer ang pagkakataong magkita sila ng kanyang ina.

 

Show comments