MANILA, Philippines - Magdiriwang si Pop Princess Sarah Geronimo ng kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz ngayong Linggo (Nobyembre 3) sa ASAP 18. Dagdag-saya sa party ni Sarah ang paggawad sa kanya ng platinum record award para sa kanyang bagong album na Expressions.
Bukod sa selebrasyon ng isang dekada ni Sarah sa industriya, sunud-sunod na sorpresa ang tiyak na kapananabikan ng TV viewers kabilang ang back-to-back-to-back na patikim na performances nina Martin Nievera, Erik Santos, at Jed Madela para sa upcoming solo concerts nila ngayong Nobyembre.
Samantala, samahan si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa With Love, Gary V. sa kanyang pagÂlalakbay patungong Iloilo upang ibahagi ang nakakaantig na kuwento ni Teresita “Auntie Terry†Sajonia, ang Pinay na naging inspirasyon ng Cannes filmfest-winning Singaporean film na Ilo Ilo.
Humanda rin para sa makapigil-hiningang pasiklaban ng dance moves nina Kim Chiu, Iya Villania, John Prats, Ella Cruz, Nash Aguas, Bugoy Cariño, Brenna Garcia, at Sam Milby sa segment na Supahdance.
World-class Pinoy talent naman ang ibibida sa ASAP 18 center stage sa makatindig-balahibong concert experience na ihahatid nina Arnel Pineda, Charice, Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Nikki Gil, KZ Tandingan, Abra, Klarisse de Guzman, Myk Perez, at ng ASAP Sessionistas.
Makisaya, makisayaw, at makikanta sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, ASAP 18, ngayong Linggo, 12 n.n. sa ABS-CBN.
Maaaring bumoto ang fans at TV viewers para sa 2013 ASAP Pop Viewers’ Choice Awards sa pamamagitan ng text at online voting sa ASAP.abs-cbn.com. Puwede ring bumoto sa pamamagitan ng pagsagot ng POP Balota na makukuha sa Star Studio at Chalk magazines na maaaring ihulog sa drop boxes na matatagpuan sa ABS-CBN regional ofÂfices at National Bookstore branches sa buong bansa.
Para sa TV viewers na nais bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN Store sa ground floor ng ELJ building sa Quezon City o bumisita sa ABSCBNstore.shopinas.com at MyRegalo.com.