Tom magulo ang lovelife

Natuloy ang plano ni Tom Rodriguez na magbakasyon ng ilang araw sa Singapore para makapagpahinga bago maging busy uli. Umalis ang aktor kahapon, the day after ng launching ng TomDen album nila ni Dennis Trillo.

Ilang araw lang ang bakasyon nito dahil sa November 4, may scheduled pictorial sila ni Dennis at ng ibang Bench endorsers para sa Summer campaign.

Bukod sa nasabing pictorial, may isa pang mall show ang TomDen to promote their album, magti-taping para sa MYX Channel at shoot ng music video ng Forever. Kung kakayanin ng schedule, magsyu-shoot din sila ni Dennis ng solo music video mula pa rin sa track ng kanilang album.

Isa sa ikinatutuwa ni Tom sa US Tour ng MHL  ay ang chance na makita ang kanyang pamilya na almost three years na pala nitong hindi nakikita. First time rin siyang mapapanood na nagpi-perform.

Sa December 10 ang balik ng Pilipinas nila Tom after ng MHL US Tour, pero aalis din siya sa Dec. 18 para sa piling ng pamilya niya sa States mag-Christmas at mag-New Year. Sa January 2014 na ang kanyang balik, tamang-tama dahil by that time, may nakahanda na sigurong new show para kay Tom o sa kanila ni Dennis.

Samantala, sa album launch, natanong sa kanyang love life si Tom, pero wala itong kinumpirmang kanyang karelasyon. Sabi nito, hindi siya nagdi-deny, ayaw lang niyang pag-usapan ang lovelife at nabanggit na pareho silang single ni Dennis. Ibig sabihin break na sila ng theatre actress GF? Pero bakit sabi dedicated sa kanyang ka-lovelife ang song niya sa album na  Ikaw Ang Sagot. Ano ba talaga Tom?

Bimby may food taster bago kumain!

Aliw na aliw kami sa bagong TVC ng Mister Donut nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Yap, may food taster pa talaga si Bimby bago makain ang donuts na bigay ni Ryzza Mae. Sa rami ng food taster, naubusan si Bimby, mabuti at binig­yan uli ni Ryzza Mae ng isa pang kahon.

Ang kyut, bagay sa dalawa ang TVC na for sure, magagamit na early promo ng My Little Bossing, ang pelikula ng dalawa na entry sa MMFF.

Nasa Japan pala ngayon si Bimby, bakasyon sila ng inang si Kris Aquino at kuya Joshua niya. Sa November 4 ang kanilang balik.

Paolo at Lian, patas na

Kabilang ang manager niyang si Lolit Solis sa binanggit ni Paolo Contis na hindi bumitaw nang magkasunud-sunod ang isyu at intriga sa kanya. Hindi siya iniwan at pinabayaan ng manager, pero araw-araw din siyang minumura ‘pag tumatawag siya rito para mangumusta.

Araw-araw ding sinasabi ni Lolit ang pagkakamali niya para hindi siya makalimot at hindi muling mapariwara. Nagsasawa man sa pang-aaway ng manager, nagpapasalamat pa rin si Paolo sa mga paalala nito.

New beginning daw siya ngayon, ayon kay Paolo at tamang-tama ang pagda­ting ng Villa  Quintana dahil may soap na uli siya at mabait ang karakter. Dag­dag na saya sa kanya na kasama niya ang kaibigang si Raymart Santiago at sila ang magkaribal kay Sunshine Dizon. Sa November 4, na ang pilot ng soap.

Very hopeful si Paolo na magiging maganda ang lahat sa buhay niya, na matapos na ang isinampang kaso (annulment case yata).

Nauna naming nakausap ang ex ni Paolo na si Lian Paz sa taping ng Prinsesa ng Buhay Ko, kung saan, kontrabida ang role. Pareho na silang nasa Kapuso Network ni Paolo, pero never pa silang nagkikita.

Nasabay sa pictorial ng Prinsesa ng Buhay Ko ang taping ni Paolo ng Bubble Gang sa kabilang studio, ilang hakbang lang at magkikita sila, pero walang nag-effort sa kanilang bisitahin ang isa’t isa.

Unang regular show ni Lian ang aming nabanggit at hindi siya nailang kahit baguhan siya dahil mabait sa kanya ang buong cast. Sa acting, tinutulungan siya ni director Dondon Santos ‘pag meron hindi maintindihan.

Naka-move on na si Lian sa paghihiwalay nila ni Paolo dahil nakakapagkuwento na ito na nakatawa ng kagagahang ginawa raw niya para lang hindi umalis ng bahay ang aktor. Inamin nitong may manliligaw siyang businessman, si John Cabahug na pamangkin ng basketball player na si Elmer Cabahug. Patas na sila ni Paolo na umaming may bagong nagpapatibok ng puso.

Show comments