PIK : Matigas ang statement ni Dennis Trillo na wala siyang balak na balikan sa mga ex-girlfriends niya.
Sinabi niya ito nung isang araw sa press launch ng TomDen album nila ni Tom Rodriguez na out na sa mga record bar.
Wala kasi siyang maisip kung kanino niya ide-dedicate ang kantang One More Try.
Sinabi na rin niyang wala siyang babalikang ex-girlfriend dahil nairita na rin ito sa pagkadawit niya sa hiwalayang Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
PAK: Nakakaintriga ang imbitasyon ni Jun Lalin na important announcement daw ng Gutierrez family sa kanilang presscon sa susunod na linggo.
May kinalaman kaya ito sa ginawa nilang pictoÂrial kamakailan lang? Pictorial daw iyon ng buong pamilya kaya curious kami kung may dagdag sa paÂmilya ba na kasama sa famiÂly portrait?
Ang isa sa narinig kasi namin, ipapa-manage na ni Tita Annabelle Rama si Richard Gutierrez sa ibang manager dahil mas gusto na nitong mag-focus sa Cebu na kung saan mas marami siyang naÂtuÂtulungan doon.
BOOM: Reliable ang nagkuwento sa amin tungkol sa sobrang kamalditahan nitong singer/actress/TV host na nagsisimula pa lang ang bagong progÂrama, kasama ang isang magaling na aktor, nagkakaproblema na sa kakaiba niyang ugali.
Kung dumating ito sa set, isa o dalawang oras na late at wala man lang pahapyaw na “sorry†sa mga co-star na naghihintay sa kanya.
Okay na sana ’yun kung na-late. Pero masungit pa raw sa set na halos ayaw batiin ang mga katrabaho niya at laging nakaangil sa mga production staff.
Feeling yata nitong aktres, sobrang galing niya sa lahat na programang pinasok niya.
Pero sabi ng isang bading, mabuti nga na tinanggal na ito sa isa niyang programa dahil lagi namang palpak ang mga hirit nito kapag may pinag-uusapang isyu.
“Mali-mali pa ang English niya minsan,†hirit ng isang mahaderang kaibigan namin.