Jessy Mendiola, napiling ambassador para sa turismo sa Korea

MANILA, Philippines - Tumulak papuntang Korea kagabi ang Maria Mercedes star na si Jessy Mendiola kung saan pormal siyang hihirangin doon bilang Honorary Ambassador for Korean Tourism.

Sa rami ng Pinay celebrities, si Jessy nga ang napili ng Korean Tourism Organization sa pangunguna ni Charm Lee.

Personal na makikipagkita si Jessy kay Lee para sa kanyang inau­guration at mag-iikot sa mga tourist spot sa Korea para isulong ang turismo roon.

“Isang karangalan ito and masaya na napili ako ng KTO. Mabait sa akin ang mga Korean and napamahal na rin ako sa kanila,” sabi ni Jessy.

Hindi na iba ang Korea sa aktres dahil makailang beses na rin ito nakabalik sa naturang bansa para sa iba’t ibang proyekto.

Unang pumunta si Jessy sa Korea ng mapili siya bilang kalahok sa programang World Date with Shinee ng KBS kung saan mainit siyang tinanggap ng Korean viewers. Muli siyang bumalik doon nang nag-photoshoot siya para sa isang magazine.

Si Jessy din ang napili bilang endorser ng isang Korean mobile messaging app.

Kasalukuyang napapanood si Jessy bilang Pinay Ma­ria Mercedes gabi-gabi sa Primetime Bida.

Kuwento ng Prinsesa... lalong tumitindi

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Prinsesa ng Buhay Ko na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal, hindi magugustuhan nila Luis ang balitang bubulaga sa kanila. Sisisihin naman ni Roberto si Cess pero ipagtatanggol siya pareho ni Luis at Nick.

Patuloy namang malulungkot si Cess at maalala niya si Luis. Mas lalo siyang malulungkot dahil sa isip niya Masaya na si Luis kasama si Abi.

Papasayahin naman ni Nick si Cess pero walang bukambibig si Cess kundi si Luis. Dadalhin tuloy ni Nick si Cess sa isang lugar na magpapaalala naman kay Cess sa dati niyang kababata. Doon malalaman ni Nick na galit na galit pa rin si Cess sa dati niyang kababata na walang iba kundi si Nick. Pagdududahan naman ni Kate si Nick na may ibang babae!

Mabuti na lang at ipagtatanggol ni Luis ang kapatid. Hindi rin sasabihin ni Nick na si Cess ang palagi niyang kasama. Pareho naman ang sasabihin nila Phil at Steve kina Cess at Nick. Ngunit lilinawin pareho nila Cess at Nick na hanggang kaibigan lang ang tingin nila sa isa’t isa. Kaso matutuklasan ni Kate na nagsisinungaling si Nick!

Magkikita ulit si Cess at Nick. Pag-uusapan nila ang kababata ni Cess at masasabi ni Cess na mas nasaktan siya sa ginawa ng kababata niya. Hindi tuloy makakapagtapat si Nick.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ni Cess, susugod naman bigla si Kate at mawiwindang siya nang makitang si Cess ang kasamang babae ni Nick!

Mas umiinit ang mga tagpo sa serye ng GMA 7.

Show comments