Kung dati ay tutol ako sa ginagawang panglalaglag kay Gretchen Barretto ng ina niya, ngaÂyon, tutol din ako sa ginagawang pagbubunyag ni La Greta sa nanay niya. Hindi rin dapat niya ginagawa ’yun. Nangingilabot ako. Parang hindi sila tunay na mag-ina. Maski na sa pelikula wala akong napapanood na ganung sitwasyon.
Bakit kailangang magkaro’n sa tunay na buhay?
Please lang, Gretchen, huwag ka nang sumagot sa nanay mo. At huÂwag mo nang dagdagan pa ang mga pinagsasasabi mo tungkol sa kanya.
Hayaan mo na lang manatiling pribado kung may mga hindi ka pa nasasabi. Hayaan mo na lang na siya na lang ang magsalita. Nanay siya, puÂwede siyang magalit sa anak pero, opinyon ko, ang mga anak ay dapat lang na tumahimik at huwag nang sumagot sa mga magulang nila. Please lang.
Gutierrez siblings abala kahit walang mga kontrata sa network
Ano kayang kumpanya ng pelikula ng nakuha ang serbisyo ni Richard Gutierrez. Balitang may pelikulang gagawin ang matagal nang nakabakasyon na TV host/actor. Mukha ring aktibo na naman ang mga anak ni Mama Annabelle Rama. May movie si Chard, may regular hosting job sa TV5 ang kakambal nitong si Raymond at si Ruffa kahit walang pelikula o TV show ay visible naman at ’di nawawalan ng guesting.
Mga anak ng taga-showbiz biglang naglutangan
Bigla namang naglalabasan sa TV ang mga anak ng ilang kilalang personalidad. ’Yung anak daw ni Phoemela Baranda ay tila may balak mag-arÂtista. Eh ’yung anak ni Dyan Castillejo, may balak din kaya?
Wala namang masama kung sakali mang totoo. What better way to enter showbiz than to be endorsed by your own parents? O malaman man lang na may lahing showbiz ka. Mas madaling paraan ito kaysa ’yung magsisimula ka pang ekstra. Kaya lang children, sabihin n’yo sa parents n’yo na ihanda kayo sa karera na papasukin ninyo. Sabihin n’yo, pakunan nila kayo ng personality development course, voice lessons, acting workshops, at kung anu-ano pang preparasyon para kapag pumasok kayo ay hindi kayo dehado.