Tumanggi si Inday Barretto na sagutin ang mga bagong pahayag ni Gretchen mula sa London, England tungkol sa family feud nila.
Nagsalita raw si Inday na rest muna siya sa kontrobersiya tungkol sa kanyang pamilya na ilang buwan nang pinagpipistahan at walang closure. Kung ako man ang nasa katayuan ng madir ni Gretchen, time out muna rin ako dahil nakakapagod naman talaga na sagutin ang isang isyu na paulit-ulit at hindi matapus-tapos.
Mahaba ang statement na ipinadala ni Gretchen sa website na pep.ph. Naloka ang mga nakabasa sa kanyang statement dahil ibinuko ni Gretchen ang lahat ng kasiraan ng sariling ina.
Shocking ang mga pasabog ni Gretchen kaya may mga nagsasabi na baka humantong sa korte ang away nila ng nanay niya.
Detalyado at may mga petsa ang pasabog ng aktres laban sa ina na tinawag lamang niya na Inday.
Kung pagbabasehan ang kanyang mga rebelasyon tulad ng na-lost in space na alahas ng Miladay Jewelry, malabung-malabo na na magkasundo sa lalong madaling panahon ang mag-ina. Baka nga hindi na sila magkabati dahil sa mga bintang nila laban sa isa’t isa. Heto ang bahagi ng pasabog ni Gretchen na na-publish sa pep.ph:
“PRAWN FARM. Contrary to Inday’s claim, as published here in PEP in April 2013, our family never owned a prawn farm in Iloilo. Of course, they could easily refute my statement by showing title to the property. Or if the property was sold, they can state the location of the property, the name of the buyers, and the day title transferred.
“I have never known of or seen a prawn farm in Iloilo, or anywhere else, that is or was owned by our family.
“MY EARNINGS. In April 2013, she stated and published here in PEP, that I earned 15,000 PHP for the first movie I was in. The truth is, I earned 50,000 PHP from that first movie.
“She can easily refute this by publishing my contract that she claims she still holds. If she has that contract, I challenge her to show it to the public to prove who is speaking the truth.
“She also said that I didn’t have much work and could not have earned that much money.
I ask her now how she could forget the many commercials she booked for me since I was 12 years old, namely Made in Heaven, Mirinda Orange, Hallmark, Johnson’s Baby Shampoo, Palmolive Soap, Bic Ballpen, even deodorant ad which I refused to do initially because of a teenager’s consciousness but she forced me to do. I never got an accounting of how much I earned.
“In 1985, I had a show in Singapore (of course, I was never told how much I was paid). She only gave me 50 Singapore dollars while she went on a shopping spree.
“In 1986, I did a teleserye for one of the networks then called Agos; I was part of a weekly variety show called Big, Big Show, a weekly comedy sitcom In da Money with Bert “Tawa†Marcelo, Nanette Inventor, Anjo Yllana, under the direction of Mr. Johnny Manahan.
“Around the same time, I also did a series of concerts around the country produced by Ms. June Torrejon-Rufino. Of course, I was paid good money for all these work.â€
Boses ng isang singer nakakadismaya
I feel so unloved dahil hindi ako naimbitahan sa presscon kahapon ng album launching nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Type na type ko pa naman na magkaroon ng kopya ng kanilang album at para mapakinggan ko ang timbre ng mga boses nila.
Nadismaya kasi ako sa album ng isang singer. Hindi ko nagustuhan ang mga kanta sa kanyang album na pinakinggan ko sa loob ng sasakyan ko. Mas bongga pa rin ang album ni Mark Bautista na naging paborito ko kaya paulit-ulit ang pagpapatugtog ko. Kung may buhay lang ang CD ni Mark, baka nilayasan na niya ako.
Favorite ko rin ang album na ibinigay sa akin ni Martin Nievera. Magaganda ang mga kanta ni Martin at pang-Concert King talaga ang kanyang boses.
Hindi ko pa napapakinggan ang vinyl o LP na ibinigay sa akin ni Martin dahil kailangan ko pa na bumili ng player. May nagsabi sa akin na P3,500 hanggang P10,000 ang presyo ng mga LP player na mas mahal pa sa album ni Martin at mabibili sa mga antique shop. Pag-iisipan ko munang mabuti bago ako bumili dahil sayang ang datung.