MANILA, Philippines - Ay nagtitipid din pala ang isang Kris Aquino. Kahapon sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng photo nila ng anak niyang si Bimby at nakalagay na caption ay wala muna siyang roaming dahil nga nagtitipid. “On board… Bye for now… Nagtitipid so turned off data roaming, next upload when there’s wifi…†sabi ng presidential sister na lumipad pa-Japan pagkatapos nilang dumalaw kahapon sa puntod ng kanyang mga magulang na pinangunahan ng kanyang kapatid na si Presidente Noynoy Aquino kasama ang mga kapatid na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, at Viel Dee kung saan nagkaroon ng misa sa harap ng puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Senador Benigno “Ninoy†Aquino, Jr. sa Manila Memorial Park sa Lungsod ng Parañaque.
Kasama raw nina Ballsy, Pinky at Viel ang kani-kanilang mga mister habang ang mga anak naman ni Kris na sina Joshua at Bimby ang kasama. Dilaw din daw na shirt ang suot nina Joshua at Bimby at lumapit agad si Joshua at naupo sa tabi ng amain niyang pangulo. Alam ng lahat na sapul sa kamusmusan ni Joshua ay malapit na malapit siya sa pangulo.
Pagkatapos ng misa na ginanap, binasbasan pa raw ng Pangulo at mga kapatid niya, sa pangunguna ng mga paring nagmisa, ang puntod ng kanilang mga magulang.
Medyo nagtagal-tagal pa raw ang pangulo sa harap ng puntod at nakiÂpag-usap sa kanyang mga kapatid. At ipinakita pa rin ni Kris sa pangulo ang bagong komersiyal ng bunsong anak nitong si Bimby na kasama si Ryzza Mae Dizon.
Naging pribado raw ang misa at ang dumalo lamang ay ang mag-anak na Aquino.
Going back to Kris, marami naman ang nagulat na nagtitiÂpid din ang isang Kris Aquino.
Lady executive na separada, GF daw ng isang actor
Consistent ang isyu na umano’y may special na relasyon ang isang actor at lady executive na separada ng isang network.
Matagal na actually na umiikot ang kuwento, pero lately persistent na ang kuwento.
Walang masama sa parte ni Madam Executive dahil hiwalay siya sa asawa, pero si aktor na sinasabing karelasyon niya ay may sabit.
Actually, kung walang sabit ang aktor mas bagay sila ni Madam Executive dahil mabait at maganda rin naman ito. Bukod pa sa kanyang power sa kinabibilangang network. KilaÂlang mabait sa Madam Executive sa hanay ng mga bossing ng kinabibilangan niyang network.
My Trophy Wife nina Cristine at Derek problemado sa direktor
Nagkaka-problema raw sa shooting ng pelikulang My Trophy Wife na bida sina Cristine Reyes, Derek Ramsay and Heart Evangelista. Ang problema, ang director daw na si Direk Elwood Perez. Lately daw kasi ay madalas na mainit ang ulo nito at parating pinagagalitan ang buong production staff. Pag may meeting daw sila, minsan ay bigla na lang itong mawawala dahil may ilang mga hindi gustong makita.
Malapit na raw mapuno ang producer ng pelikula dahil nade-delay ang shooting ng pelikula.
Naniniwala ka ba sa multo? Sa sapi?
Sa isang espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman ngayong Sabado, handog ni Ms. Mel Tiangco ang nakaÂpangingilabot na kuwento ng kambal na sina Christine at Lourdes; kambal na sinapian, at ayaw lubayan ng isang multong punung-puno ng galit at poot.
Pero ito ba ay kababalaghan o kuwentong barbero lamang? Ang kambal nga ba ay sinapian o inatake lang ng epilepsy gaya ng sabi ng doctor?
Mula sa panulat ni Jules Katanyag at sa direksIyon ng kilalang horror writer na si Topel Lee at sa pananaliksik nina Rodney Junio at Georis Tuca, itinatampok sa Sapi sina Barbie Forteza at Krystal Reyes. Kasama rin sina Roi Vinzon, Neil Ryan Sese, Sharmaine Arnaiz, Irma Adlawan, Lou Veloso, at Gwen Zamora.
Alamin ang kanilang kuwento at kung ano ang sinapit ng kambal na sinapian, ngayong Sabado ng gabi sa Magpakailanman.