Iba-ibang tradisyon ng Undas inalala ni Mother Ricky
MANILA, Philippines - Inaalala natin ang mga sumakabilang-buhay na mga kamag-anak at kaibigan tuwing Nobyembre 1 kada taon na sa mga Katolikong bansa tulad ng Pilinas ay tinatawag na Undas (All Saints’ Day).
Samahan natin ang Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa paglilibot sa iba-ibang lugar na may kani-kaniyang tradisyon sa araw na ito.
Dadalaw din ang host-producer na si Mader Ricky sa isang “hapi sementeryo†na may karnabal, live concert at tiyangge.
Tampok ang isang Australyanong designer na naka-display sa kanyang studio sa Kyusi ang mga nakakatakot na prosthetic obra niya na nagwagi ng award sa Hollywood.
Sa edad na 94 ay yumao si Madam Amada Enriquez Zabarte. Hanggang ngayo’y damang-dama pa rin ng kanyang anak na si Ricky ang kawalan at kalungkutan sa pagkawala ng ina na ayon sa kanya’y naging inspirasyon, huwaran at gabay sa hagdan paakyat sa tagumpay.
Sasariwain ni Mader ang magaganda at masaÂsayang alaala ng butihing ginang na ang labi’y naÂkaÂlagak sa isang libingang nasa gitna ng isang man-made lake at palibot ng mga paborito nitong haÂlaman sa Loyola Memorial Park, Marikina City.
Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado alas-9:00 ng umaga.
- Latest