MANILA, Philippines - Isasalaysay ni Karen Davila kung paano yumaman ang isang dating kaÂsambahay at mananahi mula sa paggawa ng kandila ngayong Miyerkules (Oct. 30) sa My Puhunan.
Katorse anyos pa lamang si Alice Alonzo nang mamasukan siya bilang kasambahay at mananahi. Nang siya ay makaipon, sinubukan niya ang paggawa ng kandila at kumita ng pera mula rito.
Matatagpuan ang pagawaan ng kanyang Eastern Candles sa likod ng kanyang tahanan. Mula sa kanyang bakuran, humigit-kumulang 3,000 kandila ang ginagawa nila sa isang araw. Dahil sa negosyong kandila, napagtapos ni Alice ang pag-aaral ng mga anak at nakapagpatayo na rin ng three-storey house sa Rizal.
Ipapasa ni Alice ang kanyang mga natutunan kay Jessie Villanueva, isang caretaker sa Manila North Cemetery na tinitiktik ang mga tunaw na kandila sa mga puntod upang makagawa ng bagong kandila na ibinebenta niya sa sementeryo. Bukod sa gamit at puhunan, sagot din ni Alice ang mga payo kung paano kikita sa negosyo.
Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Oct. 30), 4:15 p.m. sa ABS-CBN.