^

PSN Showbiz

Lovi mahusay din sa taguan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi naging malinaw ang pagiging mag-on at paghihiwalay nina Lovi Poe at Jake Cuenca na sa pagkakaalam ng marami ay tumagal din ng mahigit isang taon.

Lovi has always been very secretive pagdating sa kanyang love life.  Mas nagsasalita pa nga si Jake tungkol sa kanilang naging relasyon.

Apparently, hindi na couple ngayon sina Lovi at Jake.  Open si Jake sa kanyang panliligaw sa kanyang Maria Mercedes co-star na si Jessy Mendiola at si Lovi naman ay nali-link sa actor na si Rocco Nacino.

Phoemela takot guluhin ang ama ng anak

Mixed reaction ang tinanggap ng pag-amin ni Phoemela Baranda sa kanyang pagkakaroon ng teen-age daughter, ang 15-year-old na si Kim. Gano­on kagaling si Phoem magtago ng kanyang sikreto?

Nineteen lamang daw noon si Phoem nang kanyang isilang si Kim.  Sino ang ama? Ito naman ang nakalutang sa isipan ng mga tao.

Kung naitago ni Phoem ng 15 years ang kanyang anak, malamang na forever na niyang itago at ili­bing sa limot ang ama ng kanyang anak. Inamin na rin lang niya ang kanyang pagkakaroon ng anak, bakit hindi pa niya lubusin by naming the true identity ng ama ng bata para kumpleto na.

In a way, may karapatan din naman si Phoem na itago ang iden­tity ng ama ng bata laluna kung tahimik na ang buhay nito sa piling ng kanyang sariling pamilya, pero siyempre hindi mo maiwasan na ma-curious kung sino ba talaga.  Ayaw na marahil ni Phoem na makigulo at guluhin pa ang pamilya ng kanyang ex-BF.

Pero sa totoo lang, Salve A. hanga kami kay Phoem dahil sa loob ng 15 taon ay naitago niya na siya’y may anak na kung hindi niya inamin ay malamang na hindi nabuko.

Raymart nagka-oras na sa ina

Kahit may ongoing pang kasong kinakaharap ang actor na si Raymart Santiago na isinampa ng kanyang ex-wife na si Claudine Barretto, unti-unti na ring nasasanay ang bunsong kapatid nina Randy at Rowell Santiago sa kanyang buhay although hindi pa rin nito maialis ang malungkot laluna’t malayo pa rin sa kanya ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino.

Patuloy pa ring umaasa si Ray­mart na sana’y balang araw ay pare-parehong silang maging tahimik ang buhay ni Claudine at maibalik pa rin nila ang pagiging magkaibigan alang-alang sa mga bata.

Bilang nakatatandang kapatid, ve­ry supportive si Randy kay Raymart at sa pinagdadaanan nito nga­yon.  Ang maganda lang, mas may oras si Raymart ngayon na makasama ang kanilang mama (Cielito Legaspi), mga kapatid at mga pamangkin kapag hindi ito busy sa kanyang trabaho.

Marami rin ang nakapansin na mas  physically fit at mas guwapo nga­yon si Raymart dahil mas naalagaan na raw niya ngayon ang kanyang sarili.

 

CIELITO LEGASPI

CLAUDINE BARRETTO

JAKE CUENCA

JESSY MENDIOLA

KANYANG

LOVI

PHOEM

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with