Tsika sa amin, humaÂnga si Direk Joyce Bernal kay Dingdong Dantes sa isang eksena sa GeneÂsis na ibinaon si Isaak (DingÂdong) at tatabunan ng lupa. Kahit may double, hindi pumayag ang aktor na hindi siya ang gumawa ng eksena na importante sa story ng series. Nag-insist itong siya ang gagawa ng eksena at no choice ang lady director kundi pumayag.
After ng take, umahon si Dingdong na puro lupa ang buong katawan pero hindi naringgan ng reklamo at nagpatulong na lang na maalis ang lupa na dumikit sa kanyang balat.
Hindi pa ‘yun ang highlight ng taping ni Dingdong last week dahil ang kasunod na eksena, nang makatakas sa pagkakabaon ng lupa, sa bundok tumakbo si Isaak. Makakaengkuwentro ni Isaak ang mga NPA (New People’s Army) na pinamumunuan ni Ervic Vijandre.
Tama ang nabasa n’yo, nagkaeksena sina Dingdong at Ervic at nakitang nagkamayan at nagbatian sila kaya ‘wag na nating intrigahin. Guest ang ex-boyfriend ni Marian Rivera sa Genesis, hindi lang namin alam kung anong week papasok ang kanyang karakter.
Every week pala ay may guest sa Genesis at nauna nang nag-taping si Mark Anthony Fernandez. Ang hinihintay ng viewers, kailan ibabalik nina Direk Joyce at Mark Reyes ang mga pasabog na special effects na kanilang hinahanap.
Mag-iinang Kris pa-Japan naman
Bukas, Wednesday, ang alis nina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby for Japan para sa kanilang bakasyon. Sa Nov. 4 na ang kanilang balik kaya may ilang araw ding araw-araw na magkakasama ang mag-iina.
Bago lumipad, tinapos muna nina Kris at Bimby ang mga eksena nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na My Little Bossings. Si Bimby, nag-shooting last Monday and today ang last shooting day nila kasama si Kris.
Hindi iiwan ni Kris ang Kris TV na bitin dahil nag-advance taping na siya para sa kanyang morning show sa ABS-CBN.
GF ni Baron tameme sa isang tabi lang
Kasama ni Baron Geisler sa presscon ng Sapi ang kanyang Fil-Italian non-showbiz GF pero dahil hindi eksenadora ang babae, hindi siya napansin ng press. Nasa isang tabi lang ito at kumukuha ng picture ni Baron at nag-i-smile sa press na pumansin sa kanya.
Inamin ni Baron na na-shaken ang faith niya nang gawin ang Sapi. Hindi nabanggit kung balik na sa normal ang faith niya dahil matagal nang tapos ang shooting nila sa first horror film ni director Brillante Mendoza.
Sabi ni Baron, nasapian na siya rati pero ibang sapi ang tinukoy — ang pagiging alcoholic niya.
“But now, by God’s grace, ’di na ako sinasapian,†saad ng aktor.
Dagdag ni Baron, six months na siyang ’di lumalabas kaya ’di alam ang bagong tsismis sa kanya.
Samantala, bilang promo sa Nov. 6, showing ng Sapi, may Zombie Run ang SM City Pampanga, bukas, Wednesday, 5 p.m. Mas maganda kung may cast ang movie na pupunta sa venue para suporta sa mga tatakbo.