Kris nagpasalamat sa pag-atras ni Ser Chief sa filmfest

Ngayong umaga ay mapapanood ang pagpapatuloy ng kuwentuhan nina Kris Aquino at Richard Yap sa programang Kris TV. Binisita ng Queen of All Media ang pina­kabagong restaurant ni Ser Chief na Wang Fu.

Kahapon ay nagpasalamat pa ang aktres kay Richard dahil sa pag-atras ng dapat sana’y gagawing pelikula ng aktor na Be Careful With My Heart sa Metro Manila Film Festival. Makakalaban kasi sana ng My Little Bossings na pelikula nina Kris, Vic Sotto, Bimby Yap, at Ryzza­ Mae Dizon ang movie version ng nasabing serye.

“I’m so happy na hindi kayo sumali sa festival. Praise God. Kasi kami ang nag-benefit doon. ‘My Little Bossings’ kasi same audience tayo, family audience. So, kayo namahi­nga. Praise God. Thank you so much. Parang sabi ko, what did I do to deserve this? Thank you,” nakangiting pahayag ni Kris.

“Kasi I said ikaw ang kalaban namin kaya nag-back out kami,” nakangiting biro naman ni Richard.

Kahit hindi natuloy ang pelikula ay masaya naman ang aktor dahil naging matagumpay ang kanilang serye.

“Well, we all want to do something new. But at this point in time, we are very happy. Blessed kami na we still have the show kasi lahat ng tao na who’s working with us may trabaho lahat,” dagdag pa ng aktor.

Derek pinakamaiksing karelasyon si Cristine pero pang-habangbuhay na kaibigan

May mga naglabasang balita na nagkabalikan na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes. Magkasama ang dalawa sa Hawaii kamakailan para sa ilang shows doon.

“No. It’s not true. We’re friends. We’re better off that way. Nakita ko nga sa Instagram na parang sinasabing ‘Boses ni Derek ’yun.’ Hindi ako ’yun,” paglilinaw ni Derek.

Ayon sa aktor ay mas mabuti nang magkaibigan na lang sila ng dalaga.

“We were like what we used to be. Kaibigan niya rin ’yung best friend ko from Australia. Parang nagsama kami. Apat kami noon. Pero there was one time na we did all go out and we had a lot of fun, clean fun,” nakangiting kuwento ng aktor.

Masasabi raw ni Derek na ang naging relasyon nila ni Cristine ang pinakamaikli na naranasan niya. Aug. 28 naging opisyal na magkasintahan ang dalawa at tumagal lamang ng isang buwan ang kanilang relasyon.

“Shortest, it’s a month. Longest, because I have a friend for life. And I’m gonna be her friend for life,” giit pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments