MANILA, Philippines - Mas madali ang paghahanap ng presinto kung saan kayo boboto, mas updated din sa pinakabagong balita kaugnay sa Barangay Halalan, at mas magagabayan kung paano ang tamang pagboto at pagsulat sa balota gamit ang Comelec Halalan mobile app ng abs-cbnNEWS.com.
Noong nakaraang halalan, hindi binigo ng Comelec Halalan 2013 App ang masa dahil nasa 215,000 katao ang natulungan nito bilang botante. Ito ang pinakauna at natatanging mobile application na ka-partner mismo ang Commission on Elections (Comelec) kaya naman makasisiguro kang beripikado ang bawat impormasyong nakasaad dito.
Para sa karagdagang impormasyon sa daraÂting na barangay halalan, maaari ka ring bumisita sa Halalan 2013 website sa http://halalan2013.abs-cbnnews.com o sa Kampanyaserye website sa www.abs-cbnnews.com/kampanyaserye na walong istorya ang magbubukas ng iyong isipan sa mga isÂyung dapat niyong malaman kaugnay sa darating na botohan.
Muli, ABS-CBN ang nangunguna sa digital media sa paghahatid sa inyo ng makabuluhan at napapanahong impormasyon sa Barangay Halalan at humihimok para ipatrol ang mga boto tungo sa pagbabago at maging isang aktibong mamamayan.
Ang Comelec Halalan application ay mada-download ng libre sa lahat ng Android, iOS, at Windows powered na smartphone o tablets.
Manatiling nakatutok sa ABS-CBN, abs-cbnNEWS.com, DZMM, ANC, at Studio 23 para sa pinakamalawak at pinakakomprehensibong coverage sa Barangay Halalan.