MANILA, Philippines - Muling maghahatid ng Serbisyong Totoo ang GMA Network sa barangay elections ngayong Lunes, Oktubre 28. Sa pamamagitan ito ng Precinct Finder ng Commission on Elections na makikita sa GMA News Online sa tulong ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).
Layon ng proyekto na mapadali ang pagbisita ng mga botante sa Comelec database mula sa GMA News Online. Gamit ang Precinct Finder ng Comelec, maari nang ma-verify ang voter registration, precinct location, at precinct number ng isang botante.
Maghahatid naman ang PLDT ng “congestion-free connectivity†para mas madaling ma-access ng registered voters ang Comelec database gamit ang GMA News Online sa tulong ng I-Gate, ang high-speed Internet gateway service ng PLDT.
Matagal nang partner ng Network ang Comelec at PLDT sa pagsisigurong magiging maalam ang mga botante tuwing eleksiyon. Sa kabuuan ng Eleksyon 2013 noong Mayo, mahigit 4,000 botante ang natulungan ng GMA News Online sa pamamagitan ng mga Find Your Precinct station ng Network na itinalaga sa 10 major precincts sa Metro Manila.
Sa memorandum of agreement signing na naganap noong Oktubre 16, nagpahayag si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. ng kanyang pasasalamat sa GMA Network sa pagiging sole media partner nito sa nasabing proyekto.
“I wanted to say many thanks for always being with us whenever there are activities involving elections. Hindi naman kayo nawawala sa amin. Palagi naman tayong magka-partner,†sabi ni Brillantes.
Ayon naman kay GMA Network chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, “We have always been ready to help Comelec because we believe that the election is the bedrock of democracy.â€
Para mabisita ang Precinct Finder at makakuha ng iba pang update tungkol sa eleksiyon, maaaring mag-log-on sa www.gmanetwork.com/news.