‘Sana si Chiz na ang destiny ko’ - Heart

Malayo ang location ng Magkano ba ang Pag-ibig? pero advantage ito sa production dahil hindi agad-agad makakaalis ang mga artista kahit wala silang eksena. Kaya nang bumisita kami sa taping, nakita naming halos present ang mga karak­ter at si Isabel Oli lang ang wala.

Married to a guy na mentally challenged ang role ni Heart Evangelista at sa tanong kung gagawin niya ito in real life?

“I don’t think so” ang sagot at may kasunod na “On the other hand, you can never say. Paano kung kagaya sa karakter kong si Eloisa, gutom na gutom na ang pamilya mo and by marrying a mentally challenged guy gaya ni Bobby (Dominic Roco) lang ang solusyon? Ano ang gagawin mo?” balik-tanong ni Heart.

Kuwento ni Heart, nanonood ang BF niyang si Sen. Chiz Escudero sa Magkano ba ang Pag-ibig? ‘pag may free time ito at tinanong siya kung natuloy ang kasal ng mga karakter nila ni Bobby. Dumalaw na rin ang BF sa taping.

Pinag-react pala namin si Heart sa sunud-sunod na hiwalayan sa showbiz, hindi ba siya natatakot na mangyari sa kanila ni Sen. Chiz ang nangyayari sa ibang couple?

“Never on the line! Hindi ako takot at ayokong maghiwalay kami. This is it for me! Ngayon lang ako naka-feel ng ganito, I feel so at home, I can be myself with him. Okay lang if I make mistake because he’s always there to listen and understand and explain to me. Of course the relationship is not perfect, may argument, but he’ll explain to me things at hindi siya madamot to say sorry. ‘Pag naghiwalay siguro kami, isang taon akong hindi magpapakita, iiyak talaga ako.”

Ang feeling ni Heart, si Sen. Chiz na talaga ang match niya. Sabi pa nito: “I don’t find anybody na mas guwapo at mas interesting sa kanya, siya lang talaga. Sana siya na ang destiny ko.”

Wala pang balak magpakasal ang dalawa, pero napag-uusapan na at dagdag ni Heart, she doesn’t mind getting surprise, even tomorrow (tungkol sa marriage proposal siguro).

Direktor ng bagong serye, nag-resign

Nakakagulat ang balitang nag-quit ang director ng show ng isang network na bago pa lang umeere.

Inaalam pa namin kung ano ang rason sa biglang pagre-resign ng director sa show na ipinagmamalaki pa namin dito dahil sa kakaibang tema.

Kung sa director aalamin ang rason ng kanyang pag­re-resign sa show, malabong sabihin nito dahil tahimik lang ito. Kung sa production kaya itanong, malalaman kaya namin ang rason? Hindi rin maaa­sahang sabihin ng cast ang pagkawala ng kanilang director dahil tiyak na isasagot ay hindi nila alam.

Sabagay, may iba pang magaling na director ang network na puwedeng sumalo sa iniwang show nang nag-resign na director. Patuloy ang taping ng show, sino kaya ang pu­malit?

Wala si Sunshine Cruz sa Sagip Bohol, ang fund-raising concert na pinut-up nina Cesar Monta­no at Noel Cabangon para matulungan ang mga bik­tima ng lindol sa Bohol. Ayon kay Cesar, kung natuwa siya sa suporta ng mga kaibigang artista at singers, matutuwa rin siya kung dumating ang da­ting asawa.

Anyway, pag-alis namin ng Teatrino, almost P500,000 na ang nalikom nina Cesar at Noel na dona­tion kasama ang personal na inihatid ni Dingdong Dantes. Kasama rin dito ang pledges.

Plano nina Cesar na magkaroon ng isa pang fund-raising concert sa December 3 sa Meralco Theater na ipinahihiram for free.

Balak niyang dalhin ang Loboc Children’s Choir  at mag-iimbita pa ng maraming performers.

Renz hindi na nagpapahuli sa paramihan ng fans

Nakakatuwa si Renz Fernandez dahil nang mari­nig ang comment ng press  na minsan, sing-song ang delivery niya ng lines sa Prinsesa ng Buhay Ko, agad hinanap sa dictionary ang meaning noon. Nang mu­ling makausap ng press, ibinalitang gu­magawa siya ng paraan para maalis ang sing-song delivery of lines niya.

Humingi rin ito ng paumanhin dahil bago pa lang siya at marami pang dapat matutunan para maging effective actor. Nag-i-effort din itong magampanan ng mahusay ang role ni Luis Grande dahil ngayon lang siya lumabas na mayaman.

Masayang ibinalita ni Renz mas dumami ang nag­papa-picture sa kanya mula nang napapanood siya sa Prinsesa ng Buhay Ko. Ang tsika, sa mall show nila, hindi na rin siya nagpapahuli sa rami nang nagpapa-picture at nagpapapirma ng autograph.  

 

 

Show comments