^

PSN Showbiz

Eugene balik-Pinas na, nagwagi rin ng $5,000 sa Tokyo Filmfest

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Bumalik na kahapon si Eugene Domingo sa Pilipinas matapos tanghaling best actress sa 26th Tokyo International Film Festival noong Biyernes dahil sa performance niya sa Barber’s Tales.

SCENE : Ang kumpletong listahan at cash prize na natanggap ng mga pinarangalan sa 26th Tokyo International Film Festival:

Competition

Tokyo Sakura Grand Prix - We Are the Best! (Sweden) , Director Lukas Moodysson, $50,000

Special Jury Prize -  Bending the Rules (Iran), Director Behnam Behzadi, $20,000

Best Director -  Benedikt Erlingsson, Of Horses and Men (Iceland), $5,000

Best Actress -  Eugene Domingo, Barber’s Tales (Philippines), $5,000

Best Actor -  Wang Jingchun, To Live and Die in Ordos (China) $5,000

Best Artistic Contribution  - The Empty Hours (Mexico/France/Spain) Aarón Fernández , $5,000

Audience Award - Red Family (Korea), Director Lee Ju-hyoung ( $10,000 )

Asian Future section  Best Asian Future Film Award ($10,000) - Today and Tomorrow (China) dir. Yang Huilong

Asian Future, Special Mention - The Tale of Iya (Japan), Director Tetsuichiro Tsuya

Japanese Cinema Splash Best Picture Award - Forma (Japan), Director Ayumi Sakamoto

SEEN : May passion at makatotohanan ang kissing scenes nina Cesar Montano at Solenn Heussaff sa Akin Pa Rin Ang Bukas ng GMA 7.

SCENE : Napapanood sa tanghali at hindi na sa hapon ang replay ng Misibis Bay ng TV5. Si Ritz Azul ang bida sa Misibis Bay at ito ang huling teleserye ni Megan Young bago nito napanalunan ang korona ng Miss World 2013.

SEEN : Sabay-sabay na pinanood ng mga artista at production crew ng Juan Dela Cruz sa Sky Dome  noong Biyernes ang finale episode ng kanilang primetime show.

SCENE : Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Raymart Santiago sa presscon ng Villa Quintana na siya lamang ang nag-aalaga sa sarili dahil walang ibang mag-aalaga sa kanya.

SEEN : Ang Villa Quintana ang remake ng teleserye ng GMA 7 noong 1995. Ipinakikilala sa remake ng Villa Quintana ang loveteam nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.  

SCENE : Si Gina Alajar ang direktor ng Villa Quintana. Kilig na kilig si Gina sa kissing scene nina Elmo at Janine.

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ANG VILLA QUINTANA

ASIAN FUTURE

BEST

EUGENE DOMINGO

MISIBIS BAY

TOKYO INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with