Pamilya ni James kasundung-kasundo ang gf na Italian

PIK : Halloween ang tema sa Sunday All Stars ngayong  araw. Magpi-perform ang apat na teams na inspired sa sementeryo, bangungot, witchcraft at haunted house.

PAK: Itinatanggi ni Raymart Santiago ang intrigang may panibagong inspirasyon daw ito ngayon kaya lalo siyang gumuguwapo at nagmukhang bata kahit may pinagdaanan sa hiwalayan nila ni Claudine Barretto.

“Wala na kasing inaalagaan kaya may panahon na sa sarili,” napapangiting sagot ni Raymart.

Aware din si Raymart na inaayos na ang pagsasampa ng annulment case, pero hindi raw niya maisip kung madagdag pa ito sa mga kasong hinaharap niya.

“Papunta na rin naman dun eh. Siyempre, mahirap lang pagsabay-sabayin. Nagtatrabaho pa ako eh, baka di na kayanin ng schedule ko.

“Baka mag-renta na ako ng kuwarto dun (Marikina Regional Trial Court) para malapit,” natatawang pahayag ni Raymart.

BOOM: Pormal na binuksan ni James Yap kahapon ang bagong negosyo niyang Mototechnik kung saan nagbebenta ito ng mga Italian at ilang kilalang imported motorbike.          

Suportado si James ng Italian girlfriend niyang si Michela Cazzola. Mas open na sila ngayon sa kanilang relasyon, pero itinatanggi ng sikat na basketbolista ang napabalitang magpapakasal na sila bago matapos ang taong ito.

Pero mas okay daw sila ngayon at close daw si Michela sa kanyang pamilya.

Show comments