MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang nakaka-alarmang Leptospirosis outbreak sa Olongapo City kung saan 11 katao na ang namatay sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Oktubre 26).
Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ang lungsod ng 630 kaso ng Leptospirosis na kalimitang nakukuha sa paglusong sa tubig-bahang kontaminado ng ihi ng mga hayop. Ano ang sanhi kung bakit tinamaan ng epidemya ang Olongapo City gayung hindi naman madalas bahain ang lugar kumpara sa Maynila na kaunting ulan lang ay binabaha na?
Susuriin din ni Ted ang mga kaso ng pagpaslang at diumano’y mga paglabag sa batas pang-eleksyon na kaugnay sa nalalapit na halalan sa mga barangay ngayong Lunes.
Tatalakayin din ni Ted ang mga pinagdaraanan ng mga kandiÂdata sa mga beauty pageant kung saan kakapanayamin sa episode ang ilang Pinay na humaling sa pagsali sa mga ganitong paÂligsahan.
Bubusisiin din sa episode ang paghihigpit ng Bureau of Internal Revenue sa pangongolekta ng buwis sa mga tiangge ngaÂyong panahon ng Kapaskuhan at ang nalalapit na halalan sa BaÂrangay.
Sa mga isyu ngayon, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang mas matapang, mas walang takot at mas matinding Failon Ngayon ngayong Sabado (Oktubre 26), 4:45 p.m. pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.