Maraming natuwa nang makita sa presscon ng Honesto sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. At least daw may trabaho ang dalawa, may pandagdag sila sa gagastusin sa kasal nila. Lalo na si Jason na palagay ng marami ay makasisira sa pag-aartista ni Melai. Lahat nga ay nagkakaisa na tanggapin na lamang nito ang alok ng isang kamag-anak na magtrabaho sa farm niya sa US. Baka dun nga naman ay magbago at umunlad ang buhay ni Jason at mabigyan ng magandang future si Melai at ang magiging anak nila.
Hayaan na lamang niya dito si Melai o kung maÂkakaya na niyang kunin angmag-ina ay gawin niya. Basta ang mahalaga ay makaya niyang suportahan ang magiging pamilya niya.
Meryll mukhang anak ng mahirap
Sa mga write-ups ni Meryll Soriano bakit parang lumalabas na napakahirap nito. Eh, ang yaman-yaman ng ama niya! Hindi raw siya makabalik ng London dahil kapus sa tuition, eh ano ang ginagawa ni papang?
Kaya nitong tustusan ang buong college education niya, pero bakit hindi siya dito lumapit? Hindi ba sila close? But between and among families, problema pa ba ang closeness?
Isyu sa hiwalayan nina Luis at Jennylyn, tapos na
Para namang ganun lang kadali ang naging paghihiwalay nina Luis Manzano at Jennylyn MerÂcado. Parang walang panghihinayang sa mga paÂnahong nawala. Better na ang desisyon nilang maghiwalay dahil baka na-realize agad nila na hindi sila ang para sa isa’t isa.