AiAi in love na naman sa bagets na badminton coach?!

Parang walang kadala-dala si AiAi delas Alas kung totoo ang kuwento na in love na naman siya sa mas bata ang edad sa kanya.

Ang sabi,  22 years old na badminton player/trainor na member ng national team na nagngangalang Peter Magnaye ang ‘kinaba­baliwan’ ngayon ni AiAi.

Ang nasabing bagets daw ang trainor ni AiAi at madalas makita sa kanyang Instagram account na kasama niyang naglalaro.

Parang inlovey daw si AiAi sa bagets. May time pa raw na pinasusundo niya (AiAi) ang player sa kanyang driver.

Pero ito raw ang the height, bigla raw nagbago ang ugali ng bagets dahil nang huli itong ipasundo ng komedyana tumanggi raw itong sumama.  At alam na rin daw ng mga magulang ni bagets ang ‘nangyayari’ sa anak at kay AiAi. Ang kaso hindi raw pabor ang pa­rents ni badminton player dahil hindi nagkakalayo ang edad nila sa komedyana.

Oh oh. Baka naman din pini-playtime lang ni AiAi si bagets? Hahaha.

Heart sinalo ang inayawang endorsement ng kapwa kapuso actress

Tinanggap pala ni Heart Evangelista ang offer na maging endorser ng alak. Ang sabi, sobrang sexy daw  ni Heart para sa kampanya ng nasabing brand ng alak.

Bukod daw kasi sa lalabas na kalendaryo, kasama sa kontratang pinirmahan ni Heart ang para sa billboard at print ads kaya talagang mabibilad ang katawan ng malamang maging misis ni Sen. Chiz Escudero.

Ang tanong tuloy nila, bakit naman daw kaya pinayagan ng senador na magpa-sexy ang kanyang magiging misis?

Pero ang the height sa kuwento ng source, hindi raw kalakihan ang talent fee ni Heart sa nasabing endorsement.

May binanggit na amount ang source na parang hindi raw sulit sa ginawang pagpapa-sexy ng girlfriend ng senador.

Nauna na raw itong tinanggihan ng isa pang Kapuso actress bago napunta kay Heart.

Eugene nanalong Best Actress sa Tokyo Filmfest

Pinagsama-sama ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. ang lima sa pinakamainit na artista sa telebisyon at pelikula ngayon sa pinakabago nitong offering, ang naughty comedy na  Status: It’s Complicated sa ilalim ng direksiyon ni Chris Martinez.

Tulung-tulong sina Jake Cuenca, Eugene Domingo, Maja Salvador, Paulo Avelino, at Solenn Heussaff sa pangingiliti at pagpapatawa sa movie na inspired ng Ishmael Bernal classic na Salawahan nu’ng dekada ’80s.

Binigyan nga lang ang kanilang mga karakter ng bagong kulay, mas modernong dialogue at mas matingkad na emosyon ni Direk Chris.

Ang  Status: It’s Complicated ay tungkol sa love, sex, and relationships.

Si Jake ay si Manny, isang ladies man na tipong nakukuha ang kahit sinong babaing magustuhan. Hanggang sa makilala niya ang character ni Maja na si Rina, isang hard-to-get at conservative hot babe na magpapabago sa pagtingin ng elusive bachelor tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Kaibigan at housemate naman ni Manny si Paulo (bilang Jerry), isang dorky pero cute na graphic designer na  mapapasubo sa pakikipagpalit ng lifestyle sa kanya.

Kumpara kay Manny, masyadong straight at seryoso si Jerry pagdating sa pag-ibig, sex at pakikipagrelasyon.

Hanggang sa makilala at makaengkuwentro niya ang mga kliyenteng sina Solenn Heussaff at Eugene Domingo, na parehong palaban at walang pakialam sa buhay.

Marami silang sexy scenes na ang ilan ay kinunan pa ni Direk Chris sa Boracay. Pero higit pa sa  maiinit na eksena ng lampungan at pagbibilad ng kalaway-laway na mga katawan, dapat ding abangan ng moviegoers ang kwelang dialogue ng lima sa pelikula.

Ilan sa siguradong tatatak ay ang mga linyang ‘‘walang love life,’’ walang sex life, equals nganga!’’ ni Jake; ‘‘liligawan mo ba ’ko o iiskoran mo lang ako?’’ ni Maja: ‘‘Wag mo ’kong sanayin, baka mawili ako, hanap-hanapin ko,’’ ‘‘Masarap, magaling, malinamnam, ma-everything,‘’ ‘‘You like me now, like you now, fine! You don’t like me tomorrow, I don’t like you tomorrow, fine!’’ ni Eugene at marami pang iba.

Speaking of Eugene, nanalong best actress ang komedyana sa ginanap na Tokyo International Film Festival para sa pelikulang Barber’s Tales na dinirek ni Jun Lana. Tinalo ng pelikula ang 14 na pelikula na galing sa iba’t ibang bansa. Bukod sa trophy, balitang tumanggap ng cash prize ng 5,000 USD si Eugene.

 

 

Show comments