^

PSN Showbiz

Kailangan ng artista ng privacy, pwes ibigay natin ito sa kanila!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang naman si Sarah Geronimo ang humihiling ng privacy sa kanyang love life. Ganundin ang mga naghiwalay na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado at Phil Younghusband at Angel Locsin.

Mabuti na rin siguro na manahimik sila para hindi pagpistahan ang hindi magandang bahagi sa kanilang buhay na marami rin naman ang sinasamantala ito at ginagawang promosyon para lamang sila pag-usapan.

Sa pananahimik nila, nababawasan ang gulo at mas maaga silang maka-recover, kung ito ang layunin nila.

Dingdong sunud-sunod ang pelikula

Matapos mapanood si Dingdong Dantes bilang leading man ni Bea Alonzo sa She’s the One, na kung saan ay nagpamalas siya ng kagalingan sa pag-arte at kaguwapuhan, nag-guest din siya sa launching vehicle ni Joey Paras na Bekikang na hindi mo naman pagtatakhan dahil nagkasama sila sa Dance of the Steel Bars na kung saan ay nagpamalas sila ng isang napakagandang eksena ng pagsasayaw ng Valentino tango. Ibinabalik lang siguro ni Dingdong ang napakagandang trabaho na ibinigay ni Joey sa pelikula na siya ang bida.

Showing na sa mga sinehan ang Bekikang na sabi ng mga nakapanood na ay isang maganda at matinong pelikula ni Direk Wenn Deramas.

Jessy mabilis magbago ng anyo

Hindi ko napanood ang Maria Mercedes nun na ginampanan ni Thalia, pero ‘yung remake nito na si Jessy Mendiola ang bida ay okay hah! Maraming nanood nito ang hangang-hanga sa malaking pagbabago  o transformation kay Jessy habang kusinera lang ito at tindera ng bulaklak kapag pinagbibihis na siya ni Jake Cuenca para sa kanilang date. Nakikita how beautiful she is.

Ganundin naman si Jason Abalos na kahit may pagka-sanggano ang role ay nagagawa niya ito ng mabuti. At bagay sa kanya ang bagong haircut niya.

Pag-angat ng Bohol, tuluy-tuloy!

Nakakatuwa kapag napapanood ko ang ginagawang pag-angat ng Bohol matapos ang nakagigimbal na trahedya na inabot nila matapos silang lindolin ng may magnitude 7.2. Tama lang na muli nilang pagtuunan ng pansin ang turismo ng probinsiya at gawing positibo ang nangyari sa probinsiya.

Kesa naman yung magmukmok sila at wallow in pity. Sa ginagawang pagbangon ng mga taga-Bohol na sinalanta ng lindol mas marami ang nai-inspire na tulungan sila. Tayong mga nakapanood lamang ng trahedya, let’s all rally para tulungan lahat ng naging biktima, hindi lamang ng lindol kundi maging ‘yung mga taga-Zamboanga na naapektuhan ng giyera.

ANGEL LOCSIN

BEA ALONZO

BEKIKANG

BOHOL

DANCE OF THE STEEL BARS

DINGDONG DANTES

DIREK WENN DERAMAS

GANUNDIN

JAKE CUENCA

JASON ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with