Aktres kumpirmadong nilandi ang mga nakaparehang aktor!

MANILA, Philippines - Nasa loob pala ang kulo ng isang actress na may karelasyon. Kuwento ng isang source, kumpirmadong nilandi ng aktres na ito ang leading men niya sa ginawang pelikula. As in ibang level daw ang ginawang pagpi-flirt ng mahinhing aktres.

Actually, ayon sa source, gulat daw ang mga nakapaligid sa leading man dahil nga hindi nila ini-expect na capable si actress makipaglandian dahil kilala itong prim and proper at may karelasyon pa.

Pero magaling daw umiwas si leading man no. 1 dahil nga alam nitong meron itong boyfriend na ni­rerespeto. Kaya raw kahit sa mga interview, very safe ang sagot ni leading man no. 1. tungkol sa nangyari sa kanila habang nagtatrabaho.

Maging si leading man number 2 daw ay kinalantari rin ni mahinhing actress. Talaga raw game ito sa pagpi-flirt na tulad ni leading man number 1 ayaw ding pumatol dahil takot nga sa karelasyon ng aktres.

Kaya ang ending, wala raw napala si actress sa mga tinarget niya kahit nakiki-party siya sa mga kasama sa pelikula ng hanggang madaling araw.

Ngayon daw nagpapasaring ang aktres na gusto uli nitong makatrabaho ang mga aktor na nakasama sa pelikula.

Mga pulitikong naglulustay ng pera ng bayan lagot kay Honesto!

Uso pa ba ang mga honest o matapat?

Sana. Pero masakit isipin na sa mga nangyayari sa ating bayan, marami nang hindi honest kahit sa simpleng mga bagay lang.

Pero simula sa Lunes, gabi-gabi nang ipapaalala sa buong sambayanan ang kahalagahan ng katapatan sa pamamagitan ng teleseryeng Honesto, na magsisimula na sa ABS-CBN ngayong Lunes (Oktubre 28).

Ang Honesto ay iikot sa istorya ng batang si Honesto (Raikko Mateo), ang bunga ng pagmamahalan nina Diego (Paulo Avelino) at Fina (Maricar Reyes). Dahil sa kakaibang katangian na taglay ng pamilya ng kanyang ina, namana ni Honesto ang pamumula ng kanyang ilong sa tuwing siya ay nagsisinungaling.

Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo?

Pagbibidahan ito ng award-winning and seasoned actors tulad nina Paulo, Eddie Garcia, Ja­nice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buencamino, Joel Torre, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ilu­lunsad naman ang limang taong si Raikko.

Kukumpleto sa powerhouse cast nito sina Malou Crisologo, Melai Cantiveros, Jason Francisco, Michael Conan, Josh Ivan Morales, at Janna Agon­cillo. 

Ang Honesto ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor na pinakabagong obra ng Dreamscape, ang grupong lumikha ng matagumpay na inspirational drama series na May Bukas Pa at 100 Days to Heaven, phenomenal teleseryeng Walang Hanggan, at ng malapit nang magtapos na Juan dela Cruz.

Maraming artista na ang naka-‘Honesto’ sa social media.

Actually, mas bongga kung makaka-‘Honesto’ ang mga pulitiko. Kasi mahirap namang magsabi ng Honest ‘to Promise kung sinungaling naman sila at naglulustay ng pera ng bayan.

 

Show comments