Tiyang Amy at Kuya Dick mag-A-adjust SA bagong Singing Bee!

Nagbabalik Kapamilya network na ang magkaibigang sina Amy Perez at Roderick Paulate. Noong Martes ay muling pumirma ng kontrata ang dalawa sa ABS-CBN kaya masayang-masaya ang magkaibigan. “Masaya, mixed emotions, alam mo ‘yung feeling na you’re back home. Very nostalgic, I think hindi naman natin puwedeng plastikin na we’re family here. ‘Yung mga experiences ng buhay namin talaga nangyari dito and I’m so happy,” bungad ni Roderick.

“Sobrang na-appreciate namin ‘yung warm welcome. Lahat ng tao, ultimo mga kaibigan nating guards, parang lahat sila ay masaya na nandito ka ulit. Lahat masaya, lahat excited. Kaya naman talagang kami ni Kuya Dick, the past weeks, ‘yung feeling namin overwhelmed kami na lahat. Lahat sila sobrang happy at kami rin namang dalawa parehong masayang-masaya kami na magkakasama kami ulit,” dagdag naman ni Amy. Ang dalawa ang magiging bagong hosts ng The Singing Bee na pinasikat ni Cesar Montano noon. Nakatakdang magsimula ang nasabing programa sa susunod na buwan.

Ano kayang preparasyon ang ginagawa ng dalawa upang muling maging maganda ang pagtanggap ng manonood sa kanila? “Ang approach naman diyan ay alamin mo muna ‘yung show. So siguro, mag-a-adapt o mag-a-adjust na lang kami kung anong klaseng show ‘yung gagawin namin. ‘Yung rapport naming sa isa’t isa, hindi na ‘yun questionable. It’s there already so we will just think of how to entertain the people para mag-enjoy sila lagi,” nakangiting pahayag ni Kuya Dick.

Arron Villaflor mawawalay na kay Coco

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Juan Dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin. Isa rin sa mga tumatak na karakter sa nasabing palabas ay ang ginampanan ni Arron Villaflor. Ayon sa aktor ay nalulungkot daw siya dahil magtatapos na ang kanilang serye. “Malungkot, kasi alam naman nila ‘yun eh. Napaka-bonded na namin sa isa’t isa kesa ‘yung nakikita nila sa TV na magkaaway si Kael at si Juan, pero offcam para na kaming magkapatid niyan ni Kuya (Coco Martin). Kaya sa mga eksena hindi kami nahihirapan, heto nga naiiyak ako kasi grabe talaga. Napamahal na kami sa isa’t isa saka na­ging open na kami maging sa personal life namin, nagse-share kami,” emosyonal na pahayag ni Arron.

Madalas daw na gumigimik ang magkaibigan pagkatapos ng kanilang mga trabaho at sisiguraduhin daw nilang hindi matatapos ang kanilang samahan pagkatapos ng kanilang prog­rama. “Oo naman, kahit tapos na ang Juan Dela Cruz, ayan, may mga plano kaming mag-KTV sama-sama ulit. We make sure na minsan ginagawa namin maaga kami natatapos sa set, dumidiretso kami sa gimik, ” kuwento ni Arron.

Aminado rin ang aktor na nakararamdam siya ng takot kung kailan siya muli magkakaroon ng isang teleserye. “Nando’n ‘yung takot eh. Kasi ‘di ba parang matatapos na, ano’ng gagawin ko? Parang anong susunod para sa akin after this, nando’n pero ako naman ayaw ko na lang isipin,” pagtatapat ng binata. -Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                 

Show comments