MANILA, Philippines - Kasabay sa nalalapit na Kapaskuhan, muli na namang mamiÂmiÂgay ng milyun-milyong papremyo ang GMA 7 para sa mga maÂsusugid na Kapuso viewers sa pamamagitan ng bago nitong proÂmo campaign, ang Kapuso Milyonaryo Todo Pamasko.
Bukod sa pagiging pinaka-matagumpay na network promo ng GMA, pinatunayan din ng Kapuso Milyonaryo ang kakayahan nitong mag-abot ng pag-asa at pagbabago sa buhay ng mga manonood. Ilan lamang sina Delza Respecia, isang dating P1 million winner mula sa Mindanao na ginamit ang kanyang napanalunan para magsimula ng isang maliit na negosyo, at sina Junard Villarico ng Visayas at Wilma Rabac ng Luzon na kapwa nakapagpagawa ng kani-kanilang mga tahanan, sa mga nabiyayaan ng GMA. Bukod sa kanila, umabot na sa mahigit 700 ang bilang ng mga nagwagi sa nasabing promo campaign ng Kapuso Network.
Upang muling patunayan ang taos pusong pasasalamat ng GMA sa mga manonood, mas pinalaki at pinabongga pa ang mga maaaÂring mapanalunan sa ika-apat na season ng KM. Kasama ng GMA sa pamimigay ng mahigit P25 million worth of prizes tax free ang Nescafé 3in1, Milo Chocolate Powdered Drink, Family’s Brand Sardines, Smart Prepaid, CDO, Aji-Ginisa Flavor Seasoning Mix, at Energen. Kabilang sa mga nakatakdang ipamigay sa grand draw P1,000,000 each para sa 7 masusuwerteng mananalo mula sa partner brands, 2 house and lot units mula sa ProFriends, 2 pick-up trucks at 13 motorsiklo mula sa Yamaha.
May tatanghalin din 3 surprise winners ng P1 million each, 2 winners ng P100,000 mula sa Energen, at 15 winners ng motorsiklo mula sa Yamaha sa alinmang bahagi ng promo campaign.
Bawat linggo mula October 28 hanggang December 20, mag-aannounce din ang GMA ng 12 winners ng P7,000 each, 1 winner ng P100,000 galing sa Energen, 1 winner ng Pangkabuhayan package plus P10,000 mula sa Family’s Brand Sardines at 2 winners ng smartphones mula sa Smart Prepaid.