Nanghihinayang ako sa kinahinatnan ng love affair nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Marami nang pinagdaanan ang kanilang relasyon pero nauwi pa rin ito sa hiwalayan.
Boto ako sa desisyon ni Luis na huwag nang magÂsalita o magpainterbyu at sana ay ganito rin ang stand ni Jennylyn para hindi na lumaki ang isyu o mabahiran pa ito ng mga intriga.
May mga nakausap ako na nagpatunay na devasÂtated ang aktres sa pakikiÂpaghiwalay sa kanÂya ni Luis.
Kung ako rin siguro ang nasa lugar ni Jennylyn, ganoon din ang mararamdaman ko dahil husband material ang kanyang ex-boyfriend.
Sunshine isang buwan lang nagkulong sa kuwarto
Ang sabi ng friends ni Jennylyn, iniiyakan pa rin nito ang breakup nila ni Luis pero tuloy ang trabaho niya. Nagte-taping siya para sa morning show niya sa GMA 7 at umapir sa Sunday All Stars noong Linggo.
Makakatulong sa recovery ni Jennylyn ang pagiging busy dahil hindi siya magkakaroon ng time para magmukmok.
Hindi siya matutulad kay Sunshine Cruz na nagÂkuwento na halos isang buwan siya na hindi luÂmaÂbas ng kuwarto nang maghiwalay sila ni Cesar Montano. Isang buwan lamang ang ibinigay ni Sunshine sa sarili para magmukmok dahil pagkatapos nito ay hinarap na niya ang mga trabaho. Alam ni Sunshine na walang ibubunga na maganda ang self-pity.
Kim sa bahay na lang magpapagaling
Nag-check out na kahapon sa Makati Medical Center si Kim Atienza. Umuwi na siya sa bahay nila sa Malate, Manila at dito na lamang siya magpapaÂgaÂling nang tuluyan.
Ilang araw na na-confine si Kim sa ospital dahil sa Guillain Barre Syndrome. Kung hindi pa nagkasakit si Kim, hindi natin malalaman na may ganoong klase ng karamdaman.
Ang pagkakasakit ni Kim ang dahilan kaya hindi natuloy ang lunch date namin noong nakaraang linggo. Kasama sana namin sa lunch date ang kanyang butihing ama, si Papa Lito Atienza.
Nagkausap kami ni Papa Lito sa telepono noong naka-confine sa ospital si Kim. Wala akong pinagkuwentuhan tungkol sa karamdaman ng kanyang anak na nalaman din ng buong mundo dahil panay ang post niya ng mga update sa social media.
Ipinagmalaki ni Kim na magaling na siya at konting pahinga na lang ang kaiÂlaÂngan. Sinabi niya na walang edad, sex o fitness level na pinipili ang Guillain Barre Syndrome at lalong wala itong kinalaman sa triathlon, training, o over training.
Hindi si Kim ang kauna-unahang Pinoy na nagkaroon ng Guillain Barre Syndrome. May nabasa ako na isang matandang babae ang tinamaan ng Guillain Barre Syndrome, na-paralyze ang kalahati ng kanyang katawan pero gumaÂling. Seventy five years old na ang pasyente at kung naka-survive siya, bakit hindi si Kim na buung-buo ang loob at determinado na gumaling?
Gov’t official panay ang pa-acupuncture, nai-stress sa pagkakasangkot sa anomalya
Hindi puwedeng i-deny ng isang government official ang balita na nakarating sa akin na stressed out na stressed out siya kaya panay ang punta niya sa isang acupuncture clinic.
May reason para makaramdam ng matinding stress ang government official dahil nasasangkot ang kanyang name sa isang malaking anomalya.
Balak ko pa naman na bumisita sa acupuncture clinic na madalas na pinupuntahan ng government official. Paano kung magpang-abot kami? Hindi kaya lalo siyang makaramdam ng matinding stress kapag nakita niya ako?