Biglang bawi yata si Claudine Barretto. Sa halip na magbintang na naman sa asawa at mga kapatid sa kanyang huling interview sa TV, mga pamangkin niya ang pinagtuunan ng pansin ng pinakabata sa magkakapatid na Barretto.
Sinabi ng aktres kung gaano na niya nami-miss ang mga anak ng kapatid na hinihiling niya na sana ay hindi madamay sa away nilang magkakapatid.
Sana nga ay ipagpatuloy na ni Claudine ang hindi pagÂsasalita tungkol sa kaso niya with Raymart Santiago and her sisters, para maipagpatuloy ang proseso ng kanilang kaso ng matahimik.
Halikan nina Dennis at Tom nakakahinayang
Sayang at hindi pinayagang maipalabas sa TV ang kissing scene na ginawa nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa finale ng My Husband’s Lover.
Pinaghirapan pa naman ito ng dalawang aktor at nagawa nilang maiparamdam ang damdamin na hinihingi para sa dalawang lalaking lubhang nagmamahalan, kahit pa nang kunan ang eksena ay talagang pinanood ito ng lahat nilang co-stars at maÂging ng buong produksiyon.
Kung sabagay, mabuti na rin ito, dahil baka nga naman magsimula itong trend sa TV. Baka kahit hindi kailangan ay makapanood tayo ng mga halikan ng lalaki sa lalaki o babae sa babae ng walang pakundangan. Tama na lang na isipin natin na merong ganitong eksena sina Dennnis at Tom nasa DVD lang mapapanood.
Aljur balak mang-inggit ng abs
Balak yatang manggulat ni Aljur Abrenica sa mga manonood ng konsiyerto niyang Come and Get Me sa Music Museum sa San Juan City with his singing. Hindi kasi inaakala ng lahat na talagang may boses siya at seryoso siyang i-pursue ito. Hindi biro ang mag-stage ng isang concert sa isang nakilalang aktor na siya ang kakanta ng live at hindi ng isang kanta lamang kundi ng maraming kanta.
Magiging kakaiba ang palabas niya dahil baka kumanta siya ng topless, walang pang-itaas na damit, para lamang makita ng lahat ang kinaiinggitan niyang abs.