Bibihirang sakit kuya Kim kinapitan ng sakit na nagiging dahilan ng paralysis!

SEEN: The Legal Wife na ang final title ng prime­time teleserye ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Three years ago pa ang huling primetime teleserye ni Angel sa Kapamilya Network, ang Imortal na pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

SCENE: On leave si Kim Atienza sa It’s Showtime at TV Patrol dahil sa kanyang karamdaman, ang Guillain-Barre syndrome, isang uri ng disorder na inaatake ang immune system ng katawan ang peripheral nervous system.

Ayon sa WebMD ang ganitong bihirang-bihira na sakit ay, “Guillain-Barré (“ghee-YAN bah-RAY”) syndrome is a problem with your nervous system. It causes muscle weakness, loss of reflexes, and numbness or tingling in your arms, legs, face, and other parts of your body.

Guillain-Barré syndrome (GBS) can cause paralysis and lead to death. But most people get better and have few lasting problems.

GBS is rare.”

SEEN: Ang malaking pagkakahawig ni Daniel Padilla sa nakakulong na aktor na si Dennis Da Silva noong kabataan nito.

SCENE: Old Hollywood films na isinalin sa Tagalog at tinawag na Sine Ko 5ngko Hapon ang ipinalit ng TV5 sa dating timeslot ng Wowowillie. 

SEEN: Ang guesting kahapon ni Donna Cruz sa Sunday All Stars. Nanggaling pa si Donna mula sa Cebu at wala pa siyang tulog dahil sa magnitude 5.1 earthquake na nangyari kahapon ng madaling-araw.

SCENE: Kinabahan si Jenine Desiderio dahil naramdaman niya ang lindol sa Cebu.

Nagpunta si Jenine at ang kanyang anak na si Janella Salvador para sa free show nila sa Mabolo Church, Cebu.

SEEN: Camera shy pa si Kobe Paras sa hosting stint niya kahapon sa Sunday All Stars. Mas komportable sa harap ng kamera at mas artistahin ang kanyang kapatid na si Andre.

SCENE: Mahuhusay umarte ang mga character actor na tampok sa Katipunan, ang teleserye ng GMA 7 tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio.

 

 

Show comments