P-noy at Sandara Park nag-‘isnaban’ sa Korea!

Kasama pala sa mga naka-dinner ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang state visit sa South Korea si Sandara Park na sikat na sikat na roon bilang member ng 2NE1.

Ayon sa isang Malacañang insider, imbitado si Sandara sa bigay na dinner ni South Korean President Park Hyun-hye para kay Presidente Noynoy na dalawang araw bumisita sa nasabing bansa. Naispatan daw si Sandara na may blonde long hair at naka-blazer na itim.    

At hindi lang daw basta guest si Sandara sa nasabing state dinner, emcee at nag-perform pa raw ito kasama ang isang Koreana.

Pero ang siste, sabi ng source na Malacañang insider, hindi man lang pala nakapag-usap o nag-shake hands sina P-Noy at si Sandara na kilalang Krungkrung noong may career pa siya sa ating bansa. Wala raw chance sa rami ng tao.

So, ang ending, ang corny ng story, ni hindi man lang pala sila nagkadaupang palad. Hahaha!

OMB nagpapabaya na?

Kopya ng pirated movie P10 na lang!

Super cheap na ngayon ang presyo ng pirated DVDs na nagkalat na lang kung saan-saan.

Kung noon ay “3 for P100 pa,” now P10 per copy na lang. Yup, you read it right. Sampung piso na lang ang bawat kopya na nagkalat sa mga bangketa. At mga bagong pelikula ang ibi­nibenta nila.

May kopya na ang pelikulang Gravity starring Sandra Bullock and George Clooney na ipinalalabas pa rin sa mga local theater. Marami kayong choices in case na mamimili ng mga pirated movie.

Actually, napansin n’yo ba na parang hindi na aktibo ang Optical Media Board (OMB) sa panghuhuli sa mga nagbebenta ng pirated films? Parang nagsawa na yata sila dahil hindi rin naman umeepekto. Ang niri-raid kasi naman nila ay ang mga nagbebenta, hindi naman nila nahuhuli ang source, so talagang hindi mauubusan ng ibebenta.

Kaya ngayon kahit sa mga kalsada sa may area ng Timog, Quezon City nagkalat na ang mga nagla­lako. Open na sila at wala nang nananaway.

Isa pang hindi mapigilan ay ang pagda-download ng movie. Ang copy pa na nakukuha nila, Blu-Ray, kaya ang linaw, linaw.

Although ’pag gusto naman talagang manood ng sine ng mga tao, nagbabayad naman talaga sila at pumipila sa mga sinehan.

Cha-cha song ni Ryzza Mae gamit na gamit sa kampanya

Ginagamit na jingle sa kampanya ng isang local candidate ang Cha-Cha song ni Ryzza Mae Dizon. Pero may sarili silang version na nanggigising sa ilang lugar sa Project 8.

Ang lakas kasi ng music at masakit sa tenga kesa sa original version na nagpasikat na tugtog kay Ryzza Mae.

Naku, dapat habulin ni Tita Malou Choa Fagar, executive ng Eat Bulaga, ang local candidate na gamit na gamit ang Cha-Cha na kanta ni Aling Maliit.

Shaina nagtutumba habang nagsasayaw

Parang walang nangyari kay Shaina Magdayao kahapon matapos siyang matumba nang papatapos na ang production number nila sa ASAP 18. Nagsasayaw sila ni Nikki Gil ng Jai Ho ng Pussycat Doll nang matumba si Shaina pero naka-smile pa rin siya pagtayo. 

Tinulungan siyang makatayo ni Nikki at after ng production number nila ay isinakay na siya sa wheelchair.

Show comments