MANILA, Philippines - Engrandeng kick-off party para sa 2013 ASAP Pop Viewers’ Choice Awards ang mapapanood sa ASAP 18 ngayong Linggo (Oktubre 20). Sunod-sunod na higanteng pop-tastic at pop-bulous treats ang handog ng Kapamilya stars sa pag-anunsyo ng opisyal na listahan ng mga nominado para sa mga kategoryang Pop Music, Pop Movies, Pop Astig, at Pop Kapamilya TV.
Bukod sa grand launch ng ASAP Pop Viewers’ Choice Awards, magpapasaya rin sa lahat ang mga pop-boritong bida ng iba’t ibang hit ABS-CBN shows.
Magpapasalamat sa kanilang farewell production number ang Juan dela Cruz cast na pangungunahan ng Drama King na si Coco Martin kasama ang co-stars niyang sina Eddie Garcia, ZsaZsa Padilla, Gina Pareno, Joel Torre, Arron Villaflor, Neil Coleta, Martin del Rosario, Lara Quigaman, Diana Zubiri, Louise Abuel, John Regala, John Medina, Mylene Dizon, William Lorenzo, Marlann Flores, Izzy Canillo, at ang leading ladies ni Coco na sina Shaina Magdayao at Erich Gonzales. Susundan ito ng bonggang pagsalubong ng ASAP Kapamilya kina Janice de Belen at Carmina Villaroel na co-hosts ni King of Talk Boy Abunda sa pinakabagong Sunday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN na Buzz ng Bayan.
Magkahalong kilig at kasiyahan naman ang maÂÂtuÂtunghayan sa ASAP 18 center stage dahil sa pangÂhaharana ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Matteo Guidicelli, at JC de Vera.
Saksihan din ang world-class concert performance ng international singer-songwriters na sina Stephen Bishop, Joe Puerta, at Michael Johnson; at ang nakaÂbibilib na vocal act ng Youtube sensation na si Aldrich Talonding.
Tuluy-tuloy ang selebrasyon sa ASAP 18 sa birthday bash nina Marcelito Pomoy at Erik Santos na maglulunsad ng kanyang upcoming 10th showbiz anniversary concert na inTENse.
Samantala, magbibigay liwanag at pag-asa sa buong bansa si Mr. Pure EnerÂgy Gary Valenciano sa kanyang pagÂbabahagi ng kuwento sa likod ng Solar Power Initiatives (SPIN) Project sa With Love Gary V. Pangungunahan din ni Gary ang espesyal na tribute ng ASAP 18 para sa mga kababayang naging biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. Makakasama niya sa tribute sina ZsaZsa, Jed Madela, at Arnel Pineda.
Makiindak sa makapigil-hiningang dance showdown nina Kim Chiu, Enchong Dee, Nikki Gil, Iya Villania, at Enrique Gil sa segment na ‘Supahdance.’ Abangan din ang makatindig-balahibong performance nina Vina Morales, Angeline Quinto, Abra, Radha, Morisette Amon, at ng ASAP Sessionistas; ang kaabang-abang na musical treat ng all-tween girl group na Tweens of Pop na binubuo nina Mika dela Cruz, Noemi Oineza, Angel Sy, at Alexa Ilacad; at ang special production number ng next generation stars ng showbiz na sina Michelle Gumabao, Andrei Paras, at Ynna Asistio.
Makisaya, makisayaw, at makikanta sa consistent top-rating at palagiang trending sa puso ng buong sambayanan, ASAP 18, ngayong Linggo, alas-dose ng tanghali sa ABS-CBN.