Sa pagkalat ng mga larawan nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao na magkahawak ng kamay sa isang event kamakailan ay marami ang napaisip na talagang magkarelasyon na ang dalawa. “We’re not officially together pero natutuwa lang ako kay Shai because she lets me do that kasi affectionate akong tao eh,†paglilinaw ni Piolo.
Kahit wala pa mang espesyal na namamagitan sa dalawa ay aminado naman si Piolo na gusto niya talaga ang aktres. “Kasi if there’s anyone on this business that I wanna be with, siguro si Shaina naman ‘yun eh wala namang iba. Parang sa akin, siya ‘yung kasama ko noon and close naman kami. So I just don’t see doing that with anyone,†pagtatapat ni Piolo.
Hindi pa rin daw maaaring makipagrelasyon ang aktor dahil mayroon siyang naipangako sa binatang anak na si Inigo. “More than anything, it’s my son kasi if it was up to me matagal na siguro, pero siyempre nangako ako sa bata na hindi ko na siya bibiguin ulit. Ayaw niyang may girlfriend ako eh. Kaya that’s one reason kaya hindi rin ako makapag-all the way. Kasi minsan ko lang makita ‘yung anak ko eh, parang kung bibigyan ko pa ng ibang trabaho ‘yung sarili ko, parang wala na akong oras para sa kanya,†paliwanag ng aktor.
Kristine ayaw nang mag-drama
Matagal nang hindi gumagawa ng teleserye at pelikula si Kristine Hermosa mula nang mag-asawa at magkaanak ang aktres. Ayon sa asawang si Oyo Boy Sotto ay marami naman daw natatanggap na offer si Kristine. “Actually, maraming offer na gumawa ng soap (opera) ulit, but the problem is hindi yata tumutugma sa gusto ni Tin. So siya naman, okay lang naman sa kanya. She really missed working and gusto niya gumawa ng soap, kaya lang ayaw niya ng drama. Gusto niya daw action, comedy. Ako sa totoo, I feel for Kristine. Alam ko na nami-miss niya nang magtrabaho,†pahayag ni Oyo Boy.
Personal na desisyon daw ni Kristine na hindi muna magtrabaho para maalagaan at matutukan ang dalawang anak nilang maliliit pa. “Matagal na naming pinag-usapan ‘yun eh. So sabi ko naman kay Tin, alam mo naman ‘yung mga limitations mo. So kung gusto mo gumawa ng soap, ako naman pinapayagan ko naman siya eh. ‘Yun lang, nag-decide din siya na simula no’ng pinanganak si Ondrea (bunsong anak), at ngayong 3 or 4 at least man lang maibuhos namin ‘yung mga time namin sa mga bata kasi saglit lang eh. Ang bilis nilang lumaki, the next thing you know wala na, naglalakad na sila, pumapasok na sa school,†paliwanag ng aktor.
Mayroon lamang isang hiling si Oyo Boy kung sakaling magbabalik-showbiz na si Kristine. “SiÂyempre kung ako, ayaw ko ng may kissing scene. Dapat ako lang,†giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS