Ate Vi ayaw makihalo, pinagdarasal na lang sina Luis at Jennylyn
MANILA, Philippines - Ayaw daw talagang magsalita ni Luis Manzano kahit anong pilit ang gawin ng mga taong malalapit sa kanya tungkol sa nangyaring hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado.
Kung nakikipag-usap man daw ito, tungkol sa trabaho ang tinatanong. Ang sagot daw nito, “in due time†’pag may nagtatanong sa kanya.
Maging si Gov. Vilma Santos-Recto ay walang masyadong comment sa kinahinatnan ng relasyon ng dalawa.
“It’s their personal issue. Ayokong makihalo. Let’s just pray they will be both okay,†reaction ni Ate Vi nang tanungin ko ang isang taong malapit sa kanya.
Maging ang daddy ni Luis na si Edu Manzano ay no comment sa isyu ng dalawa. Kamakailan lang ay nag-post pa si Edu ng photo nila kasama sina Luis at Jennylyn at dalawa pa niyang anak na sina Adi and Enzo. At ang caption pa: “Meet the Manzano’s plus 1. A super nice person named Jennylyn Mercado. She surprised me at my birthday dinner. Am very grateful.â€
And speaking of Edu, fresh faces ang makakaharap ng batikang host ngayong gabi sa pinaÂkabagong late-night comedy talk show ng TV5, ang What’s Up, Doods? sa pangunguna ng Kapatid princess na si Jasmine Curtis Smith.
Matunog ngayon ang pangalan ng nakababatang kapatid na ito ni Anne Curtis sa showbiz items dahil sa pagkaka-link sa batang ABS-CBN TV host-singer-actor na si Sam Concepcion.
Kamakailan lamang, naispatan silang magkasamang nanood ng Rihanna concert sa Mall of Asia. Pero hanggang ngayon, wala pang tuwirang pag-amin mula sa dalawa although aminado si Sam na “very special†si Jasmine sa puso niya.
Maliban kay Jasmine, makakausap din ni Edu si Eri Neeman, ang guwapong komedyante na may pakana ng matagumpay na Boy Pick-Up segment ng Bubble Gang.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Eri rin ang utak sa likod ng mga sketch ng popular na segment sa loob ng 20 episodes. Sobrang nag-click ang ideya niya kaya naman ginawa pa itong pelikula na bida si Ogie Alcasid.
Sa ngayon, iniwan na ni Eri ang pagsusulat para mag-concentrate na lang sa pag-aartista.
Si Bogart the Explorer, ang YouTube sensation mula sa Davao, at ang tinanghal na kampeon ng UAAP, ang DLSU team, ang kukumpleto sa special guests ng What’s Up, Doods? mamayang gabi.
’Wag palampasin ang lahat ng ito sa What’s Up, Doods? ng Kapatid Network ngayong Sabado ng gabi, alas-nuwebe.
Mga aktres na popular na may bipolor hiwalay sa mga karelasyon
Popular na popular daw talaga sa taga-showbiz ang sakit na bipolar. At tatlong aktres daw ang nagdurusa sa ganitong problema. At ang tatlong ito raw, pare-pareho ang kapalaran – hiwalay sa kanilang mga nakakarelasyon.
Si Bipolar Actress No. 1 daw ay may malaking problema diumano sa asawa, si Bipolar Actress 2 ay hiwalay din sa naging asawa, at pang-third ay ang actress na diumano ay hiwalay na sa boyfriend.
Palibhasa raw kasi ay hindi normal ang takbo ng buhay nila dahil mga bata pa lang ay kumakayod na kaya raw siguro nagkakaroon ng ganitong sakit na pinagdurusahan nilang tatlo.
Ayon sa webmd.com ang mga bipolar disorder daw na daÂting tinatawag na manic depression ay nagdadala ng iba’t ibang klase ng moods: “is a mental illness that brings severe high and low moods and changes in sleep, energy, thinking, and behavior.
“People who have bipolar disorder can have periods in which they feel overly happy and energized and other periods of feeling very sad, hopeless, and sluggish. In between those periods, they usually feel normal. You can think of the highs and the lows as two ‘poles’ of mood, which is why it’s called ‘bipolar’ disorder.â€
In other words, aligaga ang may mga ganitong sakit.
Freddie Aguilar enjoy sa pagpapa-interview tungkol sa relasyon sa parang apo sa tuhod
Mukhang nag-e-enjoy si Freddie Aguilar sa instant attention na nakukuha niya ngayon dahil sa pakikipagrelasyon sa minor – 16 years old na girl.
Aba, everywhere ang interview niya. Mula sa TV, radio, and print at maging sa mga social media.
Bayolente naman kasi talaga ang reaksiyon ng marami sa nasabing relasyon ng singer na halos apo na sa tuhod niya na pakakasalan pa raw niya.
May kilala akong naiirita na bakit kailangan pang ipagsigawan sa lahat na mas bata ang karelasyon ng singer samantalang puwede naman siyang tumanggi sa interview?
Marian may kapatid na may down syndrome
Ngayong Sabado (Oktubre 19), ihahatid ng One Day Isang Araw ang isang kuwentong kapupulutan ng aral tampok ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera.
Gaganap si Marian bilang Milette, isang model turned actress na sobrang sikat pero sa likod ng kanyang tagumpay ay may itinatago siyang lihim sa kanyang kapatid na may down syndrome.
Isang araw, dadalawin si Milette ng kanyang ina at kapatid na si Alex sa studio at ’di inaasahang makikita sila ng kanyang manager na si Ateng Perry at pagsasabihan siya na ‘wag na ‘wag sanang magpapakita muli in public si Milette kasama si Alex dahil makakasira raw ito sa kanyang career.
Hanggang sa isang araw ay makikita sina Milette at Alex na magkasama ng kanyang fans at dun na nagsimula ang turning point ng kanyang career. Magagalit sa kanya ang fans sa ginawa niyang pagtatago sa kanyang may down syndrome na kapatid kapalit ng kanyang kasikatan.
Dahil dito ay mari-realize ni Milette na mali ang ginawa niya and magdedesisyon siyang aminin sa publiko ang rason sa pagtatago niya sa kanyang kapatid.
Kasama rin sa episode na ito sina Jaclyn Jose, Raymond Bagatsing, Mel Martinez, Tim Yap, Gorgy Rula, at Karl Paolo Angelo Pingol.
Sa ilalim ng direksiyon ni Rico Gutierrez, mapapanood ang One Day Isang Araw ang Secret ni Milette ngayong Sabado, 6:00 p.m., sa GMA.
- Latest