In all fairness to me, hindi ako na-shock sa baÂlita na hiwalay na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano pero interesado pa rin ako na malaman ang tunay na dahilan ng kanilang split up.
Nakakapanghinayang na humantong din sa hiwalayan ang relasyon nila. Bagay na bagay pa naman sina Jennylyn at Luis. Aminin din natin na good influence din si Luis sa kanyang ex-girlfriend.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa hiwalayan portion ng dalawa at ang diumano’y pakiusap ni Luis na gusto nila ni Jennylyn na maging pribado ang lahat.
Marami akong puwedeng tanungin tungkol sa paghihiwalay nila kaya malalaman ko rin ang puno’t-dulo na ibabahagi ko sa inyo.
Sarah blooming kay Matteo?!
Tanggap ko na ang katotohanan na malabo nang magkabalikan sina Sarah Geronimo at GeÂrald Anderson pero boto ako sa kanilang love team. Hindi ko pinagsasawaan na panoorin ang pelikula na pinagsamahan nila.
Si Matteo Guidicelli na ang mhin na nali-link ngayon kay Sarah na blooming nang makita ko kahapon sa presscon ng kanyang upcoming major concert sa Smarta Araneta Coliseum, ang Perfect 10 at repeat nito sa November 30 sa MOA naman.
Gusto ko nang maniwala na may relasyon na sina Matteo at Sarah base sa mga sagot ng aking favorite singer-actress.
Paiwas ang mga sagot ni Sarah sa mga question sa kanya na madaling sagutin ng oo o hindi kaya kumbinsido ako na in love siya ngayon at posibleng si Matteo nga ang kanyang bagong inspirasyon, kahit idine-deny ng kanilang mga kampo.
Makahulugan ang sinabi ni Sarah na lalabas din naman ang katotohanan at sa ngayon, gusto muna niya na maging private ang lahat.
Very Luis Manzano ang statement ni Sarah!
My husband’s huling gabi na
Magpapaalam na ngayong gabi sa TV ang My Husband’s Lover, ang bekiserye ng GMA 7 na lumikha ng ingay at ipinagbunyi ng mga bading at tomboy.
I’m sure, marami ang mag-aabang sa pagtatapos ng My Husband’s Lover dahil gusto nilang malaman kung magkakabalikan pa sina Vince at Lally.
May special participation sa last episode ng My Husband’s Lover si Ryan Agoncillo na puwede rin na maging bagong karelasyon ni Lally.
Mahirap nang mapantayan ang kuwento ng My Husband’s Lover dahil palaging ikukumpara rito ang mga teleserye na tatalakay uli tungkol sa kabadiÂngan.
Happy ang Kapuso Network dahil nagtagumÂpay ang kanilang bekiserye na pinagtaasan noon ng kilay dahil sa kakaibang kuwento at mapaÂngahas na eksena.
Aktor blangko ang mukha,walang koneksiyon sa leading-lady!
Nadismaya ako nang mapanood ko sa isang TV show ang aktor na nagpakitang-gilas sa pag-arte sa kanyang unang teleserye.
May karapatan ako na ma-disappoint dahil walang kabuhay-buhay ang acting ng aktor. Blangko ang kanyang mukha at wala silang koneksiyon ng leading lady niya.
Walang kabuhay-buhay ang aktor. Parang affected pa rin siya ng pang-iiwan sa kanya ng girlfriend niya. Ang aktor ang dapat sisihin sa nangyari dahil nalunod siya sa isang basong tubig. Nagbago ang ugali niya dahil pumasok sa utak ang mga papuri sa kanya ng mga echoserang frog na nowhere in sight dahil nawalan na rin sila ng tiwala sa aktor na dating sinasamba nila.