^

PSN Showbiz

D’ pak-yaw duet, Jose at Wally ang peg!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa mga inaabot nating  bagyo, baha, lindol, importante rin na kahit sandali ay mapawi ang lungkot at mawala ang stress.

Kaya naman sa Sabado ay mabubusog  sa walang humpay na  tawanan at kasiyahan. Dapat munang mag-relax at kalimutan ang problema dahil sa natatanging comedy show ng Zirkoh, Tomas Morato sa Sabado na Rated SPG  (SOBRANG PATAWA at GALING SA KOMEDYA) ... Octoberbest  na pangungunahan nina Gladys Guevarra, Tuesday Vargas, Ate Gay, Joy Viado, Roy & Ver, D’ Pak-Yaw Duet (parang Jose at Wally ang peg).

Habang pansamantalang namamahinga ang tandem nina Jose at Wally, susubukan naman  ang  D’ Pak-Yaw Duet kung mapapantayan nila ang komedya ng crowd ng Zirkoh.

“Malaki ang paghanga namin kina Jose at Wally. Idol namin sila. Ayaw na­ming intrigahin na  nakikipagkumpetensiya kami sa kanila. Malayo na ang nara­ting nila. Basta nandito lang kami para magpasaya ng tao,” sambit ng potensiyal na singing-comedy duo.

Nandiyan din ang pampakilig na Mr. Pogi Grand Winner ng Eat Bulaga na si John Edric Ulang at ang 1:43 sa hit song na Sa Isang Sulyap Mo at na­nalong  Song of The Year sa nakaraang PMPC Star Awards for Music. Tampok din ang tinaguriang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala, ang comebacking singer na si Tyrone Oneza. 

Mabibili ang tickets sa Zirkoh Bar Tomas Morato, SM Tickets. Tumawag sa 7100352 at 09473835131 para sa ibang detalye. Ito ay sa direksyon ni Leklek Tumalad.

 

vuukle comment

ATE GAY

CLIFFORD ALLEN ESTRALA

EAT BULAGA

GLADYS GUEVARRA

JOHN EDRIC ULANG

JOY VIADO

LEKLEK TUMALAD

PAK-YAW DUET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with