Cesar magpapa-concert para sa mga nilindol niyang kababayan!
PIK: Nakakaaliw ang pagkasabi ng PLDT-Smart Foundation 2G Chairman Chaye Cabal-Revilla na mga ilan daw sa special attraction nila sa malaking event ng PLDT-Gabay Guro ay ang mga “notable hunks†na magbibigay ng entertainment sa mga guro.
Tuwang-tuwa raw ang mga teachers na binibigyan nila ng masayang treat kapag may mga hunks gaya nina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Vin Abrenica, at marami pa para magbigay saya sa kanila.
Mangyayari ito sa October 26 na gaganapin sa SM-MOA Arena na dadaluhan din ng ilan pang big stars gaya nina Judy Ann Santos, Anne Curtis, Marian Rivera, Ryza Mae Dizon, Jodi Sta. Maria kasama si Jolo Revilla, Martin Nievera, Pops Fernandez, at marami pa.
PAK: Medyo teary-eyed na si Gian MagdaÂngal nang sagutin nito ang isyung hiwalayan nila ni Sheree.
Hindi kasi niya nasagot ang tanong ng Startalk kung bakit may litrato ni Aicelle Santos sa wallet niya na nakita ni Sheree. Isa raw iyun sa pinag-awayan nila nang husto hanggang sa humantong sa hiwalayan.
Itinatanggi niya ang pagka-link sa miyembro ng La Diva dahil magkaibigan lang daw talaga sila at walang malisya ang kanilang closeness.
BOOM: Minamadali na ngayon ni Cesar Montano ang isang mini-concert na bubuuin niya para makalikom ng funds para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Bohol.
Magkakaroon sila ng mini-concert sa October 25 na gaganapin sa Teatrinos para makalikom ng sapat na salapi na ipadadala niya sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol.
“Kailangan talagang tulungan ang mga tao dun, lalo na sa mga interior Bohol, dahil wala pa ang trahedya na ‘yan mahirap na talaga sila. Lalo pa ngayon na dumating ang trahedyang ‘yan,†pahayag ng aktor.
Kaya nanawagan ito sa mga kaibigan niya sa industriya na kung puwede raw ay sumali sila sa fund-raising project niyang ito dahil alam niyang kailangang-kailangan na raw ng mga kababayan niya ang agarang tulong.
“Kailangang masolusyonan agad ng mga pambayad sa gamot, pambayad sa hospital dahil wala silang pambayad doon. Kaya nagdurugo ang puso ko sa nangyayari sa Bohol,†sabi nito.
Natutuwa naman daw siya dahil nagparating na raw sina Ogie Alcasid, Joey Ayala, at ilan pang mga taga-Bohol na artista na sasali sila sa fund-raising project niyang ito.
- Latest