Parang si Jinggoy Pagsubok sa ‘Pinas sunud-sunod, hindi suwerte sa ‘13!
Hooked na ako sa panonood ng Genesis ng GMA 7 dahil bongga ang mga eksena at mahuhusay ang mga artista.
Ang second night sa TV ng Genesis ang dahilan kaya hindi na ako nakapunta sa 40th birthday party ni Perry Lansigan, ang manager ni Dingdong Dantes. Invited ako sa birthday celebration ni Perry at blessing in disguise ang hindi ko pagdalo dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan.
Malakas ang kulog at kidlat habang pinapanood ko ang Genesis. Ang feeling ko, lumuluha rin ang langit dahil sa maÂlakas na lindol na nanalanta sa Visayas.
Sunud-sunod ang mga pagsubok sa mga Pilipino, ang madalas na pagbaha sa Luzon, ang lindol sa Visayas at giyera sa Mindanao.
Naalaala ko tuloy ang sinabi ni Senator Jinggoy Estrada na parang hindi masuwerte sa kanya ang number 13 dahil sa mga pinagdaraanan niya na hindi nalalayo sa mga nagaganap sa ating bansa. Hindi yata masuwerte ang 2013 sa Pilipinas.
At dahil gandang-ganda ako sa Genesis, wish ko lang na hindi lumaylay ang kuwento ng teleserye nina Dingdong at Lorna Tolentino.
Hindi sana matulad ang Genesis sa ibang mga teleserye na maganda lang sa una pero nagiging mababaw at predictable ang kuwento habang tumatagal.
Natsugi naman agad ang mga karakter nina Laurice Guillen at Lito Legaspi sa second episode ng Genesis.
Wondering ako kung ilan araw na nag-taping ang dalawa para sa kanilang mga eksena? Hindi naman puwedeng magtagal ang participation ni Laurice sa Genesis dahil siya ang direktor ng Akin Pa Rin Ang Bukas, ang teleserye ni Lovi Poe sa GMA 7. Sa tapings pa lang ng kanilang teleserye, kulang na kulang na ang oras ni Mama Laurice.
Busy rin si Lito Legaspi na mas kilala ngayon bilang tatay ni Zoren Legaspi at biyenan ni Carmina Villarroel.
Napapanood si Lito sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin at Galema ng ABS-CBN. Enjoying the best of both worlds si Lito dahil nakaka-apir siya sa programa ng GMA 7. Si Lito ang nagbuking noon nang inililihim na pagbubuntis ni Carmina. Nadulas ang dila ni Lito nang mag-guest siya sa isang showbiz talk show ng RPN 9.
Megan likas ang kababawan ng luha
Maglilibot si Megan Young sa maraming panig ng mundo dahil sa mga charity event ng Miss World Organization.
Tutulong si Megan para makalikom ng financial help para sa mga kapus-palad. Puwedeng gamitin ni Megan ang kanyang international beauty title para makahingi ng tulong o donasyon para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Visayas.
Mabuti na lang, nag-win si Megan sa Miss World dahil naging simbolo siya ng pag-asa ng ating bayan na hindi na nawalan ng mga trahedya. Malaking bagay sa mga kababayan natin sa Visayas kung mabibisita sila ni Megan bago ito bumalik sa London pero depende pa rin sa kanyang hectic schedule.
Likas na mababaw ang luha ni Megan dahil umiyak na naman siya sa dinner ng ABS-CBN para sa kanya. Touched na touched si Megan sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga kasamahan niya sa Kapamilya Network.
Literal na naglagay ng red carpet ang ABS-CBN para kay Megan na nagbida sa afternoon teleserÂye na Hiyas.
Ewan ko lang kung totoo ang mga balita na muling ipalalabas ng Kapamilya Network ang old teleserye ni Megan dahil Miss World na ang dalaga. Ipinalalabas uli ng TV5 ang Misibis Bay dahil kasama sa cast si Megan.
Hmm... i-replay kaya ng GMA 7 ang Season 2 ng Starstruck dahil dito nagsimula ang showbiz career ni Megan? Why not?
- Latest