Kasambahay umasenso sa pagbebenta ng mga produktong pampaganda

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging domestic helper, nagmamay-ari na si Dina Dela Paz-Stalder ng beauty and skin care business na hindi bababa sa P20-30 milyon ang benta kada buwan. Paano kaya niya ito nagawa?

Alamin ang kuwento ng kanyang pag-asenso sa pagsasalaysay ni Karen Davila ngayong Miyerkules (Oct. 16) sa My Puhunan.

Matapos ang isang taong paninilbihan sa isang home for the aged at para sa isang mayaman na pamilya sa London, England, bumalik sa Pilipinas si Dina. Taong 1986 ay na­lakas-loob siyang magbenta ng sarili niyang astringent, whitening cream, hand sanitizer, at mga ointment gamit ang kanyang mga kaldero sa kusina.

Ngayon, may sarili na siyang laboratoryo. Bukod pa sa sarili niyang mga produkto, siya rin ang nagtitimpla para sa ilan pang sikat na beauty brands sa merkado.

Sa My Puhunan, tuturuan ni Dina si Kriseta Seranio, isang tindera ng headbands at accessories sa overpass, na magnegosyo sa pamamagitan ng paggawa ng sarili niyang hand sanitizer at shampoo na puwede niyang ibenta.

Samantala, panoorin naman sa Mutya ng Masa ngayon (Oct. 15) ang pagtupad ni Doris Bigornia sa hiling ng isang solid Kapamilya fan na makapunta sa Grand Kapamilya Weekend ng ABS-CBN. Naging espesyal ang pagbisita ni Nanay Cora sa event dahil nakasalamuha niya pa si Charo Santos-Concio, ang president at CEO ng ABS-CBN at host ng Maalaala Mo Kaya, pati na ang iba pang Kapamilya stars at reporters.

Tutukan na ang katuwang ng Pilipino sa pagsisimula at tagumpay, ang My Puhunan bukas, Miyerkules (Oct. 16), at ang katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay, ang Mutya ng Masa ngayon (Oct. 15), 4:15 p.m. sa ABS-CBN.

Para sa updates, sundan ang @mypuhunan at @MutyaNgMasa sa Twitter o bisitahin ang www.facebook.com/MyPuhunan at www.facebook.com/MutyaNgMasa.

 

 

Show comments