Talagang inasahan ng mga nanood ng concert ng mga nasa likod ng My Husband’s Lover na magkakaroon ng kissing scene sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Sad to say, nabigo sila!
Pero dapat ba naman silang umasa, eh konsert ‘yun hindi naman teleserye. For sure, ititira ang naÂsaÂbing eksena sa pagwawakas ng serye. MagiÂging preemptive kasi kapag nakita na ang eksena sa konsert. Mawawalan ng pambongga ang serye. Kaya kayong mga na-disappoint, nood na lang kayo ng finale ng series, baka rito makita n’yo ang hinahanap n’yo!
Maxene sanay sa maingay na relasyon
Baka nga sa bago niyang karelasyon na non-showbiz ay maging matahimik na ang lovelife ni Maxene Magalona. Hindi siya naging lucky sa mga past relationships niya kaya baka sa bago ay magbago ang suwerte niya. ‘Yun lang, she has to keep her affairs private. Dapat ay natuto na siya na magulo kapag pareho silang nasa limelight. Dapat din na ngayon pa lang ay i-update na niya si boyfriend sa kung ano ang dapat nitong asahan sa trabaho niya. Kapag hindi baka pumasok pa ang selos sa relasÂyon nila, naku lagot siya!