MANILA, Philippines - Kasabay ng paglunsad ng TV5 ng kanilang Everyday All the Way primetime programming, inihahandog ng Kapatid Network sa kauna-unahang pagkakataon si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang unang pagganap sa isang teleserye bilang Madam Chairman.
Sa bagong dramedy barangay-serye ng TV5, gaganap ang Megastar bilang Elizabeth “Bebeth†de Guzman, isang mapagmahal na asawa at mabuting ina sa kanyang mga anak na sa kalaunan ay magiging Madam Chairman hindi lamang ng kanilang tahanan kundi pati na rin ng buong Barangay Sta. Clara.
Gaganap naman bilang Dodong si Jay Manalo, ang taksil na OFW husband ni Bebeth na magkakaroon ng relasyon kay Beverly (Regine Angeles) na mula naman sa Barangay San Isidro. MatutunghaÂyan kung paano kakayanin ni Madam Chairman na tumayo bilang ama at ina sa kanyang makukulit na mga anak na sina Bubuy (Akihiro Blanco), Kakay (Shaira Mae dela Cruz), at Jun-Jun (Byron Ortile).
Tampok din sa Madam Chairman si Bayani Agbayani bilang Jojo Campomanes, ang ambisyosong manugang ng yumaong chairman ng Barangay Sta. Clara.
Samantala, magsisilbi namang TV comeback ni Ciara Sotto ang pagganap bilang Jingle, ang matalik na kaibigan ni Madam Chairman. Kasama rin si Nanette Inventor bilang Kapampangan-speaking auntie ni Bebeth na malapit sa mga De Guzman kids. May mga kaibigan din si Bebeth na mga barangay kagawad ng Sta. Clara na tutulong sa kaniyang patakbuhin ang Barangay Hall: ang relihiyosang si Cita (Malou de Guzman), ang taklesang si Hermes (Manny Castañeda) na mahilig sa mga beautification at sportsfest projects, at si Mery (Glenda Kennedy), na laging may handang payo para sa walang katapusang problema ni Bebeth.
Sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan, kasama pa ang award-winning scriptwriter-director na si Direk Joey Reyes, mapapanood ang Madam Chairman simula ngayong Oct. 14, 7:00 p.m., sa inaabangang bagong primetime programming ng TV5.