Mga tinderong manggagantso sa Divisoria bistado na!

MANILA, Philippines - Ngayong pumasok na ang panahon ng Kapaskuhan, tiyak na naman ang pagsulputan ng manggagantso na may kanya-kanyang diskarte para makapang-lamang sa kapwa. 

Kaya naman ilan dito ay ilalantad ng mambibistong si Julius Babao sa Bistado. Ngayong Lunes (Oktubre 14), buena manong babalatan ang kabulastugan ng ilang tindero ng sinturon sa bangketa ng Divisoria, Manila. 

Sa una ay bagsak presyo umanong iaalok ang produkto at sa halagang P35 ay tiyak na makukumbinsi ang mga mamimili. Subalit kapag nabutasan na ang sinturon at kapag oras na ng bayaran, bigla na lamang magbabago ang singil ng tindero sa halagang P135. Susundan nila ito ng pag-arteng nagmamaktol kaya naman mapipilitan na lamang ang kawawang mamimili na bayaran ito. 

Anong parusa naman kaya ang kahihinatnan ng mga manggagantsong tindero? 

Huwag palampasin ang Bistado, ang inyong katuwang sa seguridad at proteksiyon ng pamilya ngayong Lunes, 4:45 p.m., sa ABS-CBN.

Para sa updates sa programa, i-like ang www.facebook/ BistadoTV o i-follow ang www.twitter.com/BistadoTV. Para naman sa mga reklamo at sumbong, maaari itong idulog sa hotline na 414-2539 at i-text ang Bistado (space) (message) at i-send sa 2327 para sa Globe subscribers at sa 0917-8902327 para sa ibang network.

Show comments