Rhian malayung-malayo ang bagong karakter sa paratang ng ex-BF

SEEN: Isang ina na gagawin ang lahat para ipaglaban ang kanyang anak ang role ni Rhian Ramos sa Genesis, malayung-malayo sa paratang sa kanya ng ex-boyfriend na si Mo Twister.

Ang Genesis ang teleserye ng GMA 7 na mapapanood ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras.

SCENE: May malisya ang reaksiyon ng Smart Araneta Coliseum crowd nang ipakita ang VTR ni Mark Bautista at ang opinyon nito tungkol sa gay story ng My Husband’s Lover.

SEEN: Nakita si Geoff Eigenmann sa Araneta Coliseum noong Sabado. Malaki na ang ipinayat ni Geoff na pinanood ang show ng cast ng My Husband’s Lover bilang suporta sa kanyang girlfriend na si Carla Abellana.

SEEN: Napaiyak si Carla Abellana nang tawagin niya sa stage ang production staff ng My Husband’s Lover sa farewell show nila sa Araneta Coliseum.

SCENE: Kung dinagsa ng mga tomboy ang concert nina Aiza Seguerra at Charice sa Araneta Coliseum, mga bading ang karamihan sa mga nanood ng show ng My Husband’s Lover cast.

SEEN: Replay kahapon ang ASAP 18 dahil ang korona pa ng Miss World Philippines ang suot ni Megan Young.

Ang Miss World crown na ang suot ni Megan sa pre-taped episode kahapon ng Sunday All Stars.

SCENE: Tinalo ni Timothy Bradley si Juan Manuel Marquez sa boxing fight nila sa Las Vegas, Nevada noong Sabado nang gabi.

Ipinakita ni Bradley na hindi tsamba ang panalo niya noon sa laban nila ni Congressman Manny Pacquiao. Parehong tinalo nina Bradley at Marquez si Pacquiao sa boxing.

SEEN: Ang Honesto ang bagong teleserye nina Eddie Garcia, Janice de Belen, Paulo Avelino, Joel Torre, at Melissa Ricks sa ABS-CBN. Walang pahinga si Eddie dahil hindi pa tapos ang tapings niya para sa Juan dela Cruz na papalitan ng Honesto sa Oct. 28.

SCENE: Ngayong gabi ang pilot telecast ng Madam Chairman ng TV5. Ang Madam Chairman ang first ever teleserye ni Sharon Cuneta.

 

Show comments