^

PSN Showbiz

Magaling na aktor tinotopak ’pag nasa taping

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nasa episode five ng part one ng Africa episode ang mapapanood ngayong gabi sa Kap’s Amazing Stories na hino-host ni Sen. Bong Revilla, Jr.

Malaki ang pasasalamat niya at hindi pa rin natitinag sa mataas na rating ang kanyang educational program kahit pinuputakti pa rin ito ng matitinding intriga.

PAK: Malapit nang ipalabas ang isang drama series na hango sa kuwento ng isang kilalang tao. Magaling na aktor ang bida rito pero hanggang ngayon ay may tupak pa rin kapag sinusumpong.

Sa isa sa mga taping nito, biglang nagwala at nagtatalak itong si magaling na aktor dahil hindi raw niya akalain na ganun kahaba ang kanyang dialogue. Nagtitili raw ito na bakit siya pinag-dialogue ng napakahaba.

Natulala na lang ang staff dahil ang tagal na raw hawak nito ang script. Bakit ngayon lang siya umalma sa haba ng dialogue? Hindi naman daw puwedeng bawasan ang mga sasabihin nito.

Inaasahan na raw nilang marami pang drama itong magaling na aktor dahil hindi pa rin daw ito nagbabago.

BOOM: Pagkatapos ng maikling pamamalagi ni Megan Young sa ating bansa, babalik agad siya ng London, England para ipagpatuloy ang kanyang responsibilidad bilang Miss World 2013.

Nabanggit niyang sisikapin niyang maging best Miss World na nahirang at mukhang tutuparin ito ng kauna-unahang Pinay na Miss World.

Ayon kay Megan, gagawa siya ng diary na kukunan niya ng video ang lahat ng mga activities lalo na ang mga charity work na pupuntahan niya.

Pagkatapos ng kanyang reign ay bubuuin niya ito at ipapakita niya sa lahat kung ano ang mga nagagawa ng winner ng isang prestigious beauty contest with the purpose.

“I want the people to know what the Miss World Organization is all about and what we promote which is helping other people and working with the charities and that’s what we really want to showcase this year. Beauty with a purpose,” pahayag ni Megan sa interview sa kanya ni Ricky Lo para sa Startalk.

 

vuukle comment

AMAZING STORIES

AYON

BAKIT

BONG REVILLA

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

MISS WORLD ORGANIZATION

PAGKATAPOS

RICKY LO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with