Nalunod na pag-asa nasa Magpakailanman

MANILA, Philippines - Masasabi mo bang wala kang pinagsisisihan sa buhay mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala sa ‘yo ang pinakamamahal mo? Paano kung sa isang sandali ay maharap ka sa tiyak na kamatayan?

Dalawang kuwento ng pag-asa at pag-ibig ang handog ni Ms. Mel Tiangco ngayong Sabado, sa Magpakailanman. Sundan ang kuwento ng bawal na pag-ibig nina Quinan Alvarez at Angely Javier, at ang pagtatangi ni Jenelyn Yandog sa asawang matagal na nawalay sa kaniya.

Silang tatlo ay iilan lamang sa daan-daang tao na  kasama sa nangyaring trahedya noong magkabanggaan ang dalawang barko sa bandang Cebu kamakailan lang. Tatlong taong ginawa ang lahat para masabing ibinigay nila ang lahat para sa kanilang minamahal.

Ngunit pati ba ang kanilang mga buhay ay kanilang maiaalay?

Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko sa GMA7. 

Ang Nalunod na pag-asa: The Cebu Ship-Collision Tragedy tampok sina Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz, and Michelle Madrigal, under the direction of Argel Joseph, with a script by Vienuel Lavina Ello based sa pananaliksik ni Jonathan Cruz. Kasama rin sa episode sina JC Tiuseco and Allan Paule.

 

 

Show comments