Anumang effort ang gawin ng dating magkaibigan na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sharon Cuneta ay hindi na mananauli ang maganda nilang samahan. Meron ba namang tao na makakalimutan kung paano inilaglag ng kaibigan niya ang asawa niya sa kasagsagan ng pork barrel scandal? Maari nilang sabihin sa lahat na makakalimutan nila ang nangyari, pero ang hindi maaring mangyari ay maibalik ang kanilang dating relasyon.
Pero malay din naman natin.
Bibigyan ko sila ng benefit of the doubt.
Daiana nalampasan na ang gulo
Buti naman at tahimik na sa kanyang buhay may asawa ni Daiana Meneses. For a while turbulent ang marriage niya, parang galaw ng eroplano, pero it seems nag-subside na ito. Pagkatapos ng unos ay ang ganap na katahimikan. Sana nga tuluy-tuloy na ito dahil ang Brazilian beauty naman ay willing gaÂwing second priority ang career niya in favor of marriage.
Vic hindi na lugi kay Pauleen
Susunod marahil sa pagpapakita ni Bossing Vic Sotto sa publiko na kasama ni Pauleen Luna ay ang pagpapakasal nila. Aba dapat lang, matagal-tagal na rin naman ang relasyon nila at matagal nang libre ang bossing ng Eat Bulaga. Hindi naman siya lugi sa kanyang dabarkads. Bukod sa napakaganda at bata pa ito ay talaga namang kinakakitaan na ng loyalty sa kanya. Nabalitaan ba natin ni minsan na na-link si Pauleen sa iba? Pero sigurado marami itong suitors. Pero kung tutuusin simula nang ma-link si Vic kay Pauleen ay hindi na rin ito naÂbaÂlitaan sa ibang babae. Kaya makakaasa ba tayo ng kasal sa pagitan nila?
Ngayong bati na
Sheryl at Sunshine puwedeng mag-compare notes kung bakit parehong hiwalay sa asawa
Blood is thicker than water. Matapos ang ilang paÂnahong tampuhan, tuluyan nang nagkabati ang magÂpinsang Sheryl at Sunshine Cruz. Dapat lang dahil may common denominator sila, parehong failed ang marriage nila. Masuwerte nga sila at meron silang career na nabalikan at nagsisilbing lunas sa kanilang kalungkutan.
Ngayon pwede na silang mag-compare notes sa kung saan sila nagkamali, para sa susunod nilang kabanata ng pag-ibig ay mas maalam na sila.