^

PSN Showbiz

Sharon at Jinggoy hindi na totohanan ang ‘pagbabalikan’

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Anumang effort ang gawin ng dating magkaibigan na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sharon Cuneta ay hindi na mananauli ang maganda nilang samahan. Meron ba namang tao na makakalimutan kung paano inilaglag ng kaibigan niya ang asawa niya sa kasagsagan ng pork barrel scandal? Maari nilang sabihin sa lahat na makakalimutan nila ang nangyari, pero ang hindi maaring mangyari ay maibalik ang kanilang dating relasyon.

Pero malay din naman natin.

Bibigyan ko sila ng benefit of the doubt.

Daiana nalampasan na ang gulo

Buti naman at tahimik na sa kanyang buhay may asawa ni Daiana Meneses. For a while turbulent ang marriage niya, parang galaw ng eroplano, pero it seems nag-subside na ito. Pagkatapos ng unos ay ang ganap na katahimikan. Sana nga tuluy-tuloy na ito dahil ang Brazilian beauty  naman ay willing ga­wing second priority ang career niya in favor of marriage.

Vic hindi na lugi kay Pauleen

Susunod marahil sa pagpapakita ni Bossing Vic Sotto sa publiko na kasama ni Pauleen Luna ay ang pagpapakasal nila. Aba dapat lang, matagal-tagal na rin naman ang relasyon nila at matagal nang libre ang bossing ng Eat Bulaga. Hindi naman siya lugi sa kanyang dabarkads. Bukod sa napakaganda at bata pa ito ay talaga namang kinakakitaan na ng loyalty sa kanya. Nabalitaan ba natin ni minsan na na-link si Pauleen sa iba? Pero sigurado marami itong suitors. Pero kung tutuusin simula nang ma-link si  Vic kay Pauleen ay hindi na rin ito na­ba­litaan sa ibang babae. Kaya makakaasa ba tayo ng kasal sa pagitan nila?

Ngayong bati na

Sheryl at Sunshine puwedeng mag-compare notes kung bakit parehong hiwalay sa asawa

Blood is thicker than water. Matapos ang ilang pa­nahong  tampuhan, tuluyan nang nagkabati ang mag­pinsang Sheryl at Sunshine Cruz. Dapat lang dahil may common denominator sila, parehong failed ang marriage nila. Masuwerte nga sila at meron silang career na nabalikan at nagsisilbing lunas sa kanilang kalungkutan.

Ngayon pwede na silang mag-compare notes sa kung saan sila nagkamali, para sa susunod nilang kabanata ng pag-ibig ay mas maalam na sila.

BOSSING VIC SOTTO

DAIANA MENESES

EAT BULAGA

JINGGOY ESTRADA

PAULEEN

PAULEEN LUNA

PERO

SHARON CUNETA

SHERYL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with