John sure na kay Isabel, kasal malapit na malapit na

Matagal-tagal na ring karelasyon ni John Prats si Isabel Oli. Ayon kay John, napag-usapan na nila ng aktres ang planong pagpapakasal.

“Well I said before na ’di ba sa lahat naman ng girlfriend ko, whenever they ask me kung siya na ba, sabi ko sana and that’s what I hope. This time I say yes, she’s the one. ’Yung engagement siyempre bawal pag-usapan ’yun. Siyempre dapat surprise but, you know, getting married, yes, we talk about it. That’s why I know she’s ready anytime that I ask her and siguro that’s why I want and that’s what I like about her kasi hindi siya kagaya ng ibang artista ngayon na mas focused sa career muna. Maganda kasi sa kanya, nakikita niya ’yung sarili niya as a housewife. She is ready,” pagtatapat ni John.

Nakahanda na rin kayang mag-propose ng kasal ang aktor kay Isabel?

“Secret! Baka ma-preempt ’yung proposal ko eh. But I want to be really special for her. How far in the future? Not really long,” nakangiting sagot ng binata.

Samantala, isa si John sa mga magiging host ng I Dare You Season 2 na magsisimula na bukas sa Kapamilya Network pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya.  

Kim nape-pressure kay Xian

Isang bagong teleserye ang pinaghahandaan ngayon nina Kim Chiu at Xian Lim. Kakaibang konsepto raw ang kanilang bagong pagtatambalan ni Xian ayon kay Kim.

“Ano siya, bago siya sa amin ni Xian sa primetime. Kahit kami excited sa kuwento. Excited kaming gawin ’yung bagong concept. So, sobrang nakaka-excite ’tapos bagong offering namin ito sa mga tao,” bungad ni Kim.

Ngayon pa lamang ay nakararamdam na ng pressure ang dalaga para sa kanyang bagong gagawin.

“Oo naman, lahat naman siguro ng tatanungin nating artista, may pressure talaga. So, huwag mo munang iisipin ’yung pressure ’pag gumawa ka ng teleserye,” paliwanag ng aktres.

Masayang-masaya raw si Kim sa suportang ibinibigay ng mga tagahanga sa tambalan nila ni Xian.

“Masaya ako at gusto kong magpasalamat sa lahat ng fans kasi, sabi nga, gabi-gabi sila nagpapa-trend (sa Twitter) ng kung anu-ano na lang.

‘We want Kim-Xi.’ ‘Kim-Xi unconditional love’, saka hindi biro magpa-trend kasi kailangan ang dami-dami mong kausap para magpa-trend. Nagpapasalamat kami sa mga sumusuporta sa amin at thankful kami sa mga project,” nakangiting pahayag ng aktres.

Masaya rin si Kim dahil madalas niyang nakakasama si Xian na sinasabing pinakamalapit na lalaki sa kanyang puso ngayon.

“Okay naman kami. Masaya naman. Ang dami naming out-of-the-country, out-of-town shows, so, ’yung bonding gano’n,” pagtatapos ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments