Kapamilya stars nanguna sa One Run, One Philippines

MANILA, Philippines - Isinantabi ng mga pinakasikat na celebrities ng ABS-CBN ang abala nilang schedule para makiisa sa mahigit sa 88,190 katao sa One Run, One Phi­­lip­pines: Isang Bayan para sa Kalikasan, ang eco-run na sabayang ginanap sa Quezon City, Bacolod, Cebu, Davao, at Los Angeles (US) noong Linggo (Oktubre 6).

Tumakbo sina Anne Curtis, Kim Chiu at Xian Lim sa Quezon City leg nito o ang 10.06-13 Run for the Pasig River, kasama ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Herbert Bautista at mga ma­mamahayag na sina Noli de Castro at Korina Sanchez.

Nag-host din sina Kim at Xian sa post-race prog­ram upang magbigay-saya sa mga tumakbo kasama ang 6 Cyclemind, Itchyworms, at Rivermaya at sina Mitoy Yon­ting, Klarisse de Guz­man at Myk Perez ng The Voice of the Philippines na nagsagawa ng mini concert sa Quezon Memorial Cir­cle.

Hindi rin nagpahuli sina Joem Bascon at Paul Jake Castillo sa Bacolod leg; si Jayson Abalos sa Cebu leg; at sina Maja Salvador at Aaron Villaflor sa Davao leg.

Si Jake Cuenca naman ang kumatawan sa Los Angeles leg na may daan-daang mananak­bo na ginanap sa Burbank, California. Nagpakita rin ng suporta ang alkalde ng Burbank na si Emily Luddy na nakiisa rin sa event.

Muling ikinampanya ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig ng ABS-CBN Foundation ang mas malinis na Ilog Pasig at mga estero nito sa 10.06.13 Run for the Pasig River na dinagsa ng 79,000 kalahok.

 Layunin ng One Run, One Philippines: Isang Ba­­yan para sa Kalikasan na protektahan ang kali­ka­san sa pamamagitan ng pagsulong sa iba’t-ibang makubuluhang proyekto. Parte rin ito ng engrandeng two-day event ng ABS-CBN na Kwento ng Kasiyahan: The Grand Kapamilya Weekend na ipinagdiwang ang ika-60 anibersaryo ng Philippine television.

 

Show comments