‘Drama’ nina Raymart at Claudine pinagsasawaan na

PIK: Ngayong araw na dapat magsisimula ang Genesis pero dahil sa nangyaring sunog sa GMA 7 nung nakaraang Linggo, nagkaroon ng problema sa editing at hindi na natuloy ang press launch nito.

Kaya na-move na ito ng Oct. 14, pagkatapos lang ng My Husband’s Lover.

Excited si Dingdong Dantes sa bagong drama series dahil ibang-iba sa mga nagawa na niya at dito mapapatunayan kung wagi pa rin ang tandem nila ni Rhian Ramos pagkatapos mag-hit ang tambalan nila sa Stairway to Heaven.

PAK: Nakakatawa ang kuwento ni Vic Sotto tungkol sa dalawang batang bidang sina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Yap, Jr. sa pelikula nilang Torky and My Little Bossing.

Magkaibang-magkaiba raw talaga ang karakter ng dalawang bata dahil kung anong jologs ni Ryzza Mae, siya namang pagkasosyal ni Bimby.

“Parang nagiging sosyal na rin kasi si Ryzza Mae ngayon eh. Maganda ang vibes nilang dalawa kasi parati silang nagkakausap sa set, and maganda ang influence nila sa isa’t isa,” pahayag ni Bossing Vic.

Nakakatulong pa kay Bimby ang shooting dahil dito niya nakikita ang ibang buhay sa labas ng sarili niyang mundo.

 â€œThis is a very good learning experience for Bimby what life is outside of his world,” sabi pa ng aktor.

BOOM: Ngayong araw ay magkakaroon uli ng hearing sina Claudine Barretto at Raymart Santiago kaugnay sa mga kasong habeas corpus at anti-violence against women and children na hinaharap nila.

Marami na ang nagsasawa na sa kasusubaybay sa drama ng mag-asawa na sinalihan pa ng pamilya ni Claudine pero patuloy pa rin ang patutsadahan nila at naglalabasan na ng baho.

Ang latest kasing narinig naming magbibigay naman daw ng statement si Mommy Inday Barretto para resbakan ang huling mabigat na statement ni Gretchen Barretto.

 

Show comments